2024 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill
Sa pangunguna ng City Disaster Risk Reduction and Management Office katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, isinagawa kahapon, ika-26 ng Setyembre ang 2024 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa iba’t ibang paaralan sa Lungsod.
Layon ng aktinidad na ito na patuloy na bigyan ng kaalaman at gawing handa ang bawat mamamayang Tanaueño kung sakaling magkaroon ng sakuna tulad ng lindol.