1st Quarter 2023 Joint City Peace and Order Council and Anti Drug Abuse Council Meeting

1st Quarter 2023 Joint City Peace and Order Council and Anti Drug Abuse Council Meeting
Sa pagpapaigting ng kaayusan at kapayapaan sa Lungsod ng Tanauan, patuloy ang masidhing pakikipagtulungan ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes sa mga ahensyang nangangasiwa rito, kung saan ginanap kahapon ang 1st Quarter Joint City Peace and Order Council and Anti Drug Abuse Council sa Mayor’s Theatre Room.
Sa unang bahagi iprinisenta ni CPOC member Ms. Aisa Leyessa sa pamamagitan ng Peace and Order and Public Safety Plan ang mga hakbang hinggil sa mga pangangailangan at karagdagang mga kagamitan ng kapulisan na kanilang magagamit sa mga operasyon. Kasabay rin nito ang mungkahing maglagay ng karagdagang mga CCTV para sa mas mabilis na pagtugon sa tuwing may mga trahedya at krimen na nagaganap sa Lungsod.
Tuloy-tuloy naman ang ating City Local Government Operations Officer Ms. Charlotte Flor Quiza sa kanilang kampanya na masugpo ang ilegal na Droga sa ating Lungsod.
Nabigyan din ng pagkakataon ang Officer in Charge ng Tanauan Philippine National Police na si PLTCol John Ganit Rellian para mabigyan ng suporta mula sa Pamahalaang Lungsod para sa kakailanganing mga equipments sa pagkakaroon ng pag-proseso National Police Clearance sa Tanauan. Gayundin ang pakikipagtulungan sa ating butihing Mayor sa pagsasakatuparan na masungkit ng PNP Tanauan na makilala bilang PNP Standard Building ang kanilang ahensya sa Lungsod.
Sa hanay ng Bureau of Fire Protection, inilahad ni Tanauan City Fire Station CINSP Rowena S. Ramos ang kanilang mga programa noong nakaraang taon bilang pakikiisa sa Pamahalaang Lungsod hinggil sa pagbibigay paalala at masidhing pagpapatupad ng mga polisiya upang maiwasan ang sunog. Kaugnay nito, ang kanilang pakikibahagi sa ating Lokal na Pamahalaan noong nakaraang taon sa iba’t ibang mga programa at aktibidad katulad ng OPLAN Kaluluwa (UNDAS 2023), Bayanihan Bakunahan at kampanya kontra paputok.
Naging matagumpay naman ang Bureau of Jail Management and Penology sa pagsasakatuparan ng kanilang mga programa noong nakaraang taon. Kaniyang pinuri ang ating Punong Lungsod dahil sa patuloy nitong pagsuporta sa kanilang ahensya. Matatandaan na nagkaroon ng Training Skills Program ang Pamahalaang Lungsod sa ating Persons Deprived of Liberty (PDL) kung saan ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon ng programa ang Lokal na Pamahalaan sa mga kababayan nating bilanggo. Patuloy rin na nakikiisa ang BJMP Tanauan sa mga aktibidad na ating isinisagawa kabilang ang Tree Planting activity, Community outreach program at Livelihood program.
Previous Masayang pinasinayaan ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes ang pag-iisang dibdib ang 14 na pares sa Lungsod ng Tanauan.

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved