1st Mental Health Post Graduate Course ng Batangas Medical Center, isasagawa sa Lungsod ng Tanauan!
Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng mga programa kaugnay sa mental health, masayang ibinahagi ng Tanauan City Health Office sa pangunguna ni Dra. Anna Angela Dalawampu kay Mayor Sonny Perez Collantes ngayong araw ang gaganaping ang 1st Post Graduate Course ng Batangas Medical Center isasagawa sa darating na Oktubre.
Sa courtesy call ng BatMC Department of Psychiatry sa pangunguna nina Dr Maria Arlene Briones, Dr. Pauline Valerie Mae Alday, at Dr. Maria Bernadette Carandang, kanilang ibinahagi na isa ang Lungsod ng Tanauan sa inaasahang benepisyaryo ng training na ito na pinamagatang “Psychiatry in the Frontlines”.
Dagdag pa rito, ang one-day post graduate course na ito ay layong bigyang-kaalaman at kasanayan ang ating mga frontline personnel mula Southern Tagalog pagdating sa paghahawak ng mental health cases.
Samantala, nagpasalamat naman si Mayor Sonny sa patuloy na pakikibahagi ng BatMC upang matugunan ang mga medikal na suporta’t pangangailangan ng ating mga kababayan.
Aniya, bukod sa napapanahon nang pag-usapan ang mga isyu patungkol sa Mental Health Awareness, malaking bagay ang mga ganitong training upang malaman ng ating mga kawani ang angkop na interbasyon na isasagawa sa ating mga Tanaueñong nangangailangan ng nasabing serbisyo.