Pagsasaayos ng mga paaralang naapektuhan ng bagyo, inagurasyon ng karagdagang School Buildings at iba pang aktibidad ng DepEd Tanauan City, tinalakay sa 11th Regular Tanauan City Local School Board
Sa pangunguna ni Tanauan City LSB Chair Mayor Sonny Perez Collantes, kasalukuyang inaalam na ng Local School Board members at DepEd Tanauan City ang mga pinsalang naidulot ng mga nagdaang bagyo sa Lungsod ng Tanauan.
Tinalakay rin dito ang nakatakdang simultaneous inauguration and blessing ng mga bagong school buildings ng Tanauan kung saan kasalukuyang nagagamit na rin ng mga mag-aaral ngayong school year.
Kabilang din sa pinaghahandaan ng LSB at pamunuan ng DepEd ay ang gaganaping Regional School Press Conference sa Lungsod ng Tanauan sa darating na Pebrero 2025.