๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’ ๐…๐ข๐ซ๐ž ๐๐ซ๐ž๐ฏ๐ž๐ง๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐Œ๐จ๐ง๐ญ๐ก ๐Š๐ข๐œ๐ค-๐จ๐Ÿ๐Ÿ ๐‚๐ž๐ซ๐ž๐ฆ๐จ๐ง๐ฒ, ๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ฒ๐š๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐…๐ ๐“๐š๐ง๐š๐ฎ๐š๐ง ๐ค๐š๐ญ๐ฎ๐ฐ๐š๐ง๐  ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ๐š๐š๐ง๐  ๐‹๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐ ๐ง๐  ๐“๐š๐ง๐š๐ฎ๐š๐ง!

Kaugnay sa selebrasyon ng 2024 Fire Prevention Month ngayong Marso, tagumpay na pinasinayaan ng BFP R4A Tanauan City ang provincial-wide Kick-Off Ceremony sa harap ng New Tanauan City hall Building ngayong umaga, kasama si Mayor Sonny Perez Collantes, mga kawani ng BFP Region 4A, BFP Batangas, Pamahalaang Lungsod ng Tanauan at Sangguniang Barangay at Functionaries ng Poblacion 3.

Sa temang โ€œSa pag-iwas sa sunog, hindi kayo nag-iisaโ€, pinangunahan ng ating mga Fire Marshals sa pamumuno ni BFP Tanauan FCINSP RUTH JOY L MICOSA at Fire Incident Simulation Exercise na isinasagawa ng Community Fire Auxiliary Group (CFAG) tulad ng Pamahalaang Barangay ng Poblacion 3 kung sakaling may aksidente ng sunog sa kanilang komunidad.

Sa mensahe ni Mayor Sonny, binigyang-diin nito ang kahalagahan ng pakikiisa ng lahat ng sektor ng lipunan sa pagpapanatili ng kaligtasan kontra sunog. Bukod rito, kaniyang buong pusong pinasalamatan ang pamunuan ng BFP Tanauan sa pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan na mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa Lungsod kabilang na ang pagresponde tuwing may aksidente o kalamidad sa lungsod.

Bukod dito, isinagawa rin ang launching ng Yes to Fire Safety shirt, zumba at motorcade na dinaluhan ng mga kawani ng pampubliko at pribadong ahensya kabilang na nina City Administrator Mr. Wilfredo Ablao, SSUPT DENNIS A MOLO, MPSA (DSC), Assistant Regional Director for Operations BFP R4A, FSSUPT MARIA VICTORIA P BRUAL, DSC, Deputy Provincial Fire Marshal, FSSUPT GLENN M SALAZAR, MMPA, at DILG CLGOO Ms. Charlotte Flor Quiza.

Previous Karagdagang pagawain at pondo para sa mga pampublikong paaralan, tinalakay sa Tanauan City 2nd Local School Board

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version