๐ท๐น๐ฌ๐บ๐ฌ๐ต๐ป๐จ๐ป๐ฐ๐ถ๐ต ๐ถ๐ญ ๐ช๐ฐ๐ป๐ ๐จ๐ต๐ป๐ฐ-๐ซ๐น๐ผ๐ฎ ๐จ๐ฉ๐ผ๐บ๐ฌ ๐ช๐ถ๐ผ๐ต๐ช๐ฐ๐ณ (๐ช๐จ๐ซ๐จ๐ช)
TANAUAN CITY โ Naging matagumpay ang isinagawang meeting ng mga miyembro ng City Anti-Drug Abuse Council (CADAC) sa pangunguna ng ating butihing Mayor Sonny Perez Collantes, ngayong araw ng Huwebes, ika-29 ng Setyembre 2022.
Tinalakay sa pagpupulong ang mga epektibong hakbang ukol sa pagsugpo ng droga at kriminalidad, nabanggit dito ng ating Punong Lungsod ang importansiya ng PREVENTIONโkung saan bahagi nito ang maayos na edukasyon ng kabataan at pagpapalakas ng Sports; REHABILITATIONโ pagbibigay ng mga oportunidad at mga programang pangkabuhayan sa mga biktima ng adiksyon sa droga; ENFORCEMENTโmahusay na regulasyon ng mga polisiya, itinakdang batas at pagbibigay ng karampatang parusa sa mga kaso ng droga. Idinagdag din nya ang kahalagahan ng matibay na koordinasyon ng ibaโt ahensiya sa pagsugpo ng droga para mas ligtas na komunidad para sa mga Tanaueรฑo.
Ito ay dinaluhan ng mga opisyal sa ibaโt ibang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod at mga ibaโt-ibang ahensya mula sa PNP-TanauanโPLTCOL Karlos P. Lanuza, CLGOO (DILG) โMs. Charlotte Flor Quiza, Office Of the City Schools Division SuperintendentโMr. Rogelio Opulencia, City Prosecutor-OfficeโMs. Amor Larcia Robles, Executive Judge (Regional Trial Court)โ Charito M. Macalintal-Sawali, Chief Probation and ParoleโMs. Anelyn B. Arcardo, City Fire MarshallโSINSP. Rowena S. Ramos, City Warden BJMPโChief Inspector Marlon D. Barrun, CSWDโ Ms. Rebecca D. Javier, City Health OfficeโDr. Anna Angela C. Dalawampu at City Cooperative and Livelihood Officerโ Ms. May Teresita Fedino. Naging bahagi rin ng pagpupulong si Konsehal BGEN. Benedicto C. Corona (Ret) na tumatayong Chairperson ng Peace and Order Committee ng Sangguniang Panlungsod.
Nagtapos ang kumperensiya sa makahulugang diyalogo kung saan naibalita ng BJMP na 100% ng kanilang mga kawani ay negatibo sa drug test. Inihayag din ng DepEd na walang naitalang problema sa sektor ng edukasyon na may kinalaman sa ilegal na droga sa lungsod. Nagpaabot naman ng taos pusong suporta ang ating Punong Lungsod para sa mga ilulunsad na plano, programa at mga aksyon kontra-droga ng mga miyembro ng CADAC.