๐ฏ๐ฟ๐ฑ ๐ค๐๐ฎ๐ฟ๐๐ฒ๐ฟ ๐๐ถ๐๐ ๐๐ถ๐๐ฎ๐๐๐ฒ๐ฟ ๐ฅ๐ถ๐๐ธ ๐ฅ๐ฒ๐ฑ๐๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ด๐ฒ๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐๐ผ๐๐ป๐ฐ๐ถ๐น ๐ ๐ฒ๐ฒ๐๐ถ๐ป๐ด
Kaugnay sa inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes na mapanatili ang #KaligtasanAtKaayusan sa Lungsod ng Tanauan, isinagawa ngayong araw ang 3rd Quarter City Disaster Risk Reduction and Management Council Meeting kung saan tinalakay ang ibaโt ibang compliance ng lokal na pamahalaan
Sa pangunguna nina CDRRMC Vice Chairperson Atty. Ferdinand Perez at CDRRMO head Ms. Chevy Blessing Menguito, pinag-usapan ang kasalukuyang estado ng 2024 Gawad Kalasag Seal Entry at compliance ng Seal of Good Local Governance (SGLG) ng Lungsod ng Tanauan.
Tinalakay din sa pagpupulong ang Adoption ng ibaโt ibang Council Resolutions upang mapaigting pa ang disaster preparedness and response ng Lungsod. Kaugnay rito, napag-usapan din ang kasalukuyang update patungkol sa weather and air quality at ang implementasyon ng Emergency Operations Center (EOC).
Ibinhagi rin ng Tanauan CDRRMO ang pamamahagi ng ibaโt ibang kagamitan tulad ng protective suits, monitoring equipment at emergency response vehicles.
Bukod dito tinalakay din ang matagumpay na Integrated Planning Course on Incident Command System (IPICS) training na layong gawing sistematiko ang incident and disaster management and response sa Lungsod ng Tanauan katuwang ang mga frontline offices at iba pang ahensya ng pamahalaan tungo sa isang #Sustainable&ResilientCity.
Iniulat naman ng hanay ng BFP Tanauan sa pangunguna ni FCINSP RUTH JOY MICOSA ang matatagumpay na Fire Protection & Supression Services kabilang na ang implementasyon ng Oplan Ligtas Pamayanan.