π—ͺπ—”π—žπ—”π—¦π—”π—‘ π—”π—‘π—š π—žπ—”π—₯𝗔𝗛𝗔𝗦𝗔𝗑 𝗦𝗔 π—žπ—”π—•π—”π—•π—”π—œπ—›π—”π—‘!

Nakikiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes sa paggunita ng “18-Day Violence Against Women Campaign” sa Lungsod ng Tanauan bilang suporta sa pagtataguyod sa karapatan ng mga kababaihan.
Sa temang, “VAW Bigyang Wakas, Ngayon na ang Oras”, kinikilala ng lokal na pamahalaan ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagkakaroon ng sapat na kaalaman upang matiyak ang kaligtasan ng mga kababaihan laban sa anumang uri ng karahasan.
Simula bukas, ika-25 ng Nobyembre hanggang ika-12 ng Disyembre 2024, makiisa tayo sa malawakang kampanya ng Philippine Commission on Women sa pagsulong ng karapatan ng mga kababaihan katuwang ang Gad Tanauan at Tanauan Local Social Welfare and Development.
Sama-sama nating wakasan ang karahasan at sabay-sabay tayong manindigan para sa mga kababaihan.
Previous 18-Day Campaign to End Violence Against Women

TANAUAN CITY GOVERMENTΒ© 2022 All Rights Reserved