๐ฃ๐ฎ๐ด๐ต๐ฎ๐ต๐ฎ๐๐ถ๐ฑ ๐ป๐ด ๐๐ป๐ด๐ธ๐ผ๐ฝ ๐ป๐ฎ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฎ๐บ๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป, ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ง๐ฟ๐ฎ๐ถ๐ป๐ถ๐ป๐ด ๐ช๐ผ๐ฟ๐ธ๐๐ต๐ผ๐ฝ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ sa ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฏ๐๐ผ ๐ป๐ด ๐๐ผ๐ฐ๐ฎ๐น ๐๐ฒ๐๐ฒ๐น๐ผ๐ฝ๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ฃ๐น๐ฎ๐ป ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐๐ต๐ถ๐น๐ฑ๐ฟ๐ฒ๐ป (๐๐๐ฃ๐)!
Kaugnay sa paghahatid ng dekalidad na serbisyo para sa Kabataan ng Tanauan, kasalukuyang isinasagawa ngayong araw ang training workshop para sa mga pagbuo ng Local Development Plan for Children na pinangunahan ni Mayor Sonny Perez Collantes, katuwang ang pamunuan ng Tanauan Local Social Welfare and Development.
Ang nasabing pagsasanay ay nilahukan ng mga kinatawan mula sa ibaโt ibang barangay at sektor upang maging kabahagi ng lokal na pamahalaan sa paglalatag ng mga programa, proyekto, estratehiya o mga serbisyong magtataguyod ng karapatan at proteksyon ng mga bata.
Ang training workshop na ito ay bahagi ng inisyatibo ni Mayor Sonny sa ilalim ng #KalusuganAtPangangalaga upang bigyan din ng kaalaman ang mga miyembro ang Local Council for the Protection of Children upang mabigyan ng โholistic approachโ ang bawat Kabataan partikular na sa aspeto ng pagkalusugan, edukasyon, at iba pa.
