𝗡𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗘𝗥𝗣𝗔𝗧 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗟𝘂𝗻𝗴𝘀𝗼𝗱 𝗻𝗴 𝗧𝗮𝗻𝗮𝘂𝗮𝗻!
Upang mas mapalawig ang mga programa ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan para sa mga kalalakihan, pinulong ngayong araw ni Mayor Sonny Perez Collantes at ni ERPAT Tanauan City President Mr. Tirso Oruga para sa isang consultative meeting.
Kabilang din sa tinalakay rito ang mga paparating na aktibidad ng nasabing organisasyon katuwang lokal na pamahalaan.
Bahagi ang nasabing aktibidad sa isinusulong na gender-responsiveness ng lokal na pamahalaan sa Lungsod kung saan prayoridad ang pagprotekta at pagbibigay ng angkop na serbisyo sa bawat kasarian at sektor.