๐๐๐ง ๐๐ฑ๐๐ฐ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐๐๐๐ถ๐๐๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ, ๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฎ๐ฏ๐ผ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น ๐๐ฟ๐ด๐. ๐ก๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐
Sa mas pinalakas na serbisyong pang-edukasyon sa Lungsod ng Tanauan, tagumpay ding naipaabot ang CGT Educational Assistance para sa mga mag-aaral mula Brgy. Natatas na pinangunahan ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang Barangay Affairs Office at City Treasury Office.
Bahagi pa rin ito ng inisyatibo ni Mayor Sonny na palawakin ang oportunidad para sa mga kabataang Tanaueรฑo sa pamamagitan ng pagbibigay ng pinansyal na suporta at iba pang programa upang masigurong dekalidad ang edukasyong natatanggap ng bawat mag-aaral mula elementarya hanggang kolehiyo.
Naging katuwang sa naturang aktibidad sina Brgy. Natatas Kap. Joseph Nones kasama sina Kon. Czylene Marqueses, CDRRMO OIC Ms. Chevy Menguito, SK Federation Vice President Clarence Micosa, Dating Kapitan ng Ulango Mr. Tirso Oruga, Luyos BWCC President Ms. Lilibeth Arcega, dating Kapitan ng Banjo West Mr. Macky Gonzales at Engr. Sonny Natanauan.
Samantala, antabayan lamang po ang mga anunsyo sa Official Facebook page ng Barangay Affairs Office-Tanauan City, Batangas at ni Mayor Sonny Perez Collantes para sa susunod na Barangay na bababaan upang makatanggap ng Educational assistance.
