๐๐๐ง ๐๐ฑ๐๐ฐ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐๐๐๐ถ๐๐๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ, ๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฎ๐ฏ๐ผ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น ๐ป๐ด ๐ง๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐๐ถ๐๐ ๐๐ผ๐น๐น๐ฒ๐ด๐ฒ!
Kaugnay sa patuloy na paghahatid ng dekalidad na edukasyon ni Mayor Sonny Perez Collantes, tagumpay na naihatid ngayong araw ang CGT Educational Assistance para sa mga mag-aaral ng Tanauan City College katuwang ang Barangay Affairs Office-Tanauan City, Batangas at City Treasury Office.
Prayoridad na programa ito ni Mayor Sonny upang patuloy na matugunan ang pangangailangan ng mga Tanaueรฑong mag-aaral mula elementarya hanggang kolehiyo tungo sa pag-abot ng kani-kanilang magandang kinabukasan.
Naging katuwang sa naturang aktibidad sina Batangas 3rd District Representative Chief of Staff Atty. King Collantes, Former Tanauan City Administrator Mr. Wilfredo “Dodong” Ablao at TCC Administrator Mr. Jun Goguanco.
Samantala, antabayan lamang po ang mga anunsyo sa Official Facebook page ng Barangay Affairs Office-Tanauan City, Batangas at ni Mayor Sonny Perez Collantes para sa susunod na Barangay na bababaan upang makatanggap ng Educational assistance.