๐๐๐ง ๐๐ฑ๐๐ฐ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐๐๐๐ถ๐๐๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ, ๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฎ๐ฏ๐ผ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น ๐๐ฎ ๐๐ฟ๐ด๐. ๐๐บ๐ฏ๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐ฎ๐ ๐ ๐ฎ๐๐ด๐ฎ๐!
Kaugnay sa patuloy na paghahatid ng dekalidad na edukasyon ni Mayor Sonny Perez Collantes, tagumpay ring naihatid ang CGT Educational Assistance para sa mga mag-aaral ng Brgy. Ambulong at Maugat katuwang ang Barangay Affairs Office-Tanauan City, Batangas at City Treasury Office.
Prayoridad na programa ito ni Mayor Sonny upang patuloy na matugunan ang pangangailangan ng mga Tanaueรฑong mag-aaral mula elementarya hanggang kolehiyo tungo sa pag-abot ng kani-kanilang magandang kinabukasan.
Habang bahagi rin ng matagumpay na programang ito sina City Administrator Wilfredo “Dodong” Panganiban ABLAO, kasama ang Sangguniang Barangay ng Maugat sa pamumuno ni Kap. Mel Mangubat at Sangguniang Barangay ng Ambulong sa pamumuno ni Kap. Sherwin Mendoza.
Nakiisa din sa naturang aktibidad sina CSWD Head Ms. Vicky Javier, CDRRMO head Ms. Chevy Menguito, Mr. Marco Amurao, Dating Kapitan ng Barangay Ulango Tirso Oruga, Mr. Eboy Alcantara, Mr. Macky Gonzales, Engr. Sonny Natanauan at Luyos BWCC Beth Arcega na kabahagi rin ni Mayor Sonny sa serbisyong publiko
Samantala, antabayan lamang po ang mga anunsyo sa Official Facebook page ng Barangay Affairs Office-Tanauan City, Batangas at ni Mayor Sonny Perez Collantes para sa susunod na Barangay na bababaan upang makatanggap ng Educational assistance.