๐๐๐ง ๐๐ฑ๐๐ฐ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐๐๐๐ถ๐๐๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ, ๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฎ๐ฏ๐ผ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น ๐๐ฎ ๐๐ฟ๐ด๐. ๐ฆ๐ฎ๐ป๐๐ผ๐ฟ & ๐ฆ๐ฎ๐บ๐ฏ๐ฎ๐!
Mula sa maigting na paghahatid ng serbisyong pang-edukasyon ni Mayor Sonny Perez Collantes, tagumpay ring naihatid ang CGT Educational Assistance para sa mga mag-aaral ng Brgy. Santor at Sambat katuwang ang Barangay Affairs Office-Tanauan City, Batangas at City Treasury Office.
Prayoridad na programa ito ni Mayor Sonny upang patuloy na matugunan ang pangangailangan ng mga Tanaueรฑong mag-aaral mula elementarya hanggang kolehiyo tungo sa pag-abot ng kani-kanilang magandang kinabukasan.
Naging katuwang sa naturang aktibidad Sangguniang Barangay ng Santor sa pamumuno ni Kap. Rolando Garcia kasama sina Atty. King Collantes, Kon. Czylene Marqueses, SK Federation Vice President Clarence Micosa, Dating Kapitan ng Ulango Mr. Tirso Oruga, Luyos BWCC President Ms. Lilibeth Arcega, dating Kapitan ng Banjo West Mr. Macky Gonzales at Engr. Sonny Natanauan.
Samantala, antabayan lamang po ang mga anunsyo sa Official Facebook page ng Barangay Affairs Office-Tanauan City, Batangas at ni Mayor Sonny Perez Collantes para sa susunod na Barangay na bababaan upang makatanggap ng Educational assistance.