“Bilang Ama ng bawat Tanaueño, nais kong pakinggan ang saloobin ng ating mga kababayan, kaya ang karatulang ating ilalagay sa ating opisina ay “Tanggapan ng mga Mamamayan ng Lungsod ng Tanauan!’ Bubuksan natin ang ating tanggapan para sa lahat, walang pinipili at walang bahid ng pulitika.”
NELSON "SONNY" PEREZ COLLANTES
CITY MAYOR
Karangalan po natin na mapaglingkuran ng buong puso at kagalakan ang ating minamahal na Lungsod ng Tanauan. At bilang inyong Bise-Alkalde, katungkulan ni Vice-Mayor Atty. Jun-Jun Trinidad na maabot ang lahat ng ating mga kababayang Tanaueño saan man dako ng mundo sila naroroon, kaya naman lubusan ang kanyang pasasalamat sa pagkakaroon ng panibagong “website” ng Pamahalaang Lungsod na kung saan ang lahat ng mga programa, serbisyo at iba’t-ibang kaganapan patungkol sa ating mahal na Lungsod ay malayang maipapa-abot sa lahat. Dahilan po rito, ating maigting na hinihiling sa ating mga kababayang Tanaueño na ugaliing tunghayan ang ating panibagong “website”, ang TanauanCity.Gov.Ph. Mabuhay ang Lungsod ng Tanauan!
ATTY. HERMINIGILDO G. TRINIDAD, JR.
CITY VICE-MAYOR
TANAUAN CITY ADMINISTRATION