Press Releases

You are visitor #

2048649
TodayToday66
This_WeekThis_Week2548
This_MonthThis_Month25414
All_DaysAll_Days2048649

Urban Gardening at Farm Business School, inilunsad

By: CIO Tanauan/ LACV – September 26, 2018

best

Si City Mayor Atty. Jhoanna C. Corona- Villamor habang nagpapahayag ng kanyang mensahe sa isinagawang Launching on Urban
Gardening & Farm Business School noong Setyembre 24, 2018 na ginanap sa Mayor’s Theater Room.
(Photo Courtesy: Jun Mojares)


 

LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas – Sa inisyatiba ng lokal na pamahalaan ng Tanauan, sa
pangunguna ng City Agriculture Office at sa pakikipagtulungan ng Agricultural Training
Institute CaLaBaRZoN at Tanauan South Central School (TSCS), sabay na inilunsad sa lungsod
ang “Urban Gardening” at “Farm Business School (FBS)” na dinaluhan ng mga “target
beneficiaries” ng programang ito noong Setyembre 24, 2018.
Layunin ng nasabing programa na mabigyan ng tamang kaalaman ang mga magsasaka at ilan
pang residente ng Tanauan patungkol sa “organic urban gardening” at maturuan ng mga
pamamaraan ng pagpaparami ng produksyon at kita ng kanilang mga sakahan na
makatutugon sa pangangailangan ng merkado.
Dalawampu’t-limang magsasaka mula sa mga barangay ng Balele at Gonzales ang magiging
benepisyaryo ng isasagawang FBS na ito. Tatagal ng labingdalawang linggo ang naturang
pagsasanay na mahahati sa apat na bahagi kung saan tatalakayin ang 25 na paksa kabilang
na ang “farm business profitability”, paggawa ng “business and financial plans”, “contract
planning and appraisal” at iba pang mahahalagang kaalaman kaugnay sa pagtatayo ng
ganitong uri ng negosyo.

Sa training naman patungkol sa “urban gardening”, 25 na miyembro ng Parents-Teachers’
Association at Barangay Nutrition Scholar mula sa mga “urban” barangays partikular sa
pitong poblacion barangays ng lungsod ang magiging kalahok sa programang ito na
gaganapin sa TSCS.
Ayon kay Mayor Atty. Jhoanna Corona-Villamor, siya kasama ang buong pamahalaang
lungsod ay patuloy na susuporta sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga programang
magpapataas pa sa antas ng pamumuhay ng mga magsasaka sa lungsod lalo’t higit ng buong
sambayanang Tanaueño.
Kabilang din sa dumalo para sumuporta sina Kon. Angel Atienza, Kon. Sammy Platon at City
Agriculturist Renato Cunanan. (LACV/CIO Tanauan) #

Archive Videos

Parade of Lights 2017 Video

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

Parade of Lights 2015 Video

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Facebook

 


Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: attyjhoannacorona@gmail.com

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph