Press Releases

You are visitor #

2043838
TodayToday1247
This_WeekThis_Week7360
This_MonthThis_Month20603
All_DaysAll_Days2043838

BREASTFEEDING SYMPOSIUM, ISINAGAWA SA TANAUAN CITY

MTSB/CIO-Tanauan | September 13, 2018

symposium

Sa pangunguna nina City Mayor Atty. Jhoanna Corona-Villamor, City Vice Mayor Benedicto Corona at sa pakikipagtulungan nina Ms. Sharon Lopez-Geronimo, Breastfeeding Pinay’s Certified at Breastfeeding Peer Councelor; kinatawan ng Department of Health; Committee on Health ng Sangguniang Panlungsod sa pamumuno ni City Councilor Rizaldrin Epimaco Magpantay; at Ms. Lilibeth de Villa, City Nutrition Action Officer, matagumpay na naisagawa ang “Breastfeeding Symposium” na may temang “Pagpapasuso’y pundasyon para sa malusog at mahabang buhay ng ina at sanggol,” noong Setyembre 11, 2018 sa President Jose P. Laurel Gymnasium I, Tanauan City.   (Photo Courtesy: Jun S. Mojares | CIO-Tanauan)


 

LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas – Upang masiguro ang kalusugan at mahabang “life span” ng mga ina at ng kanilang mga sanggol sa lungsod, isinagawa ang “Breastfeeding Symposium” na may temang “Pagpapasuso’y pundasyon para sa malusog at mahabang buhay ng ina at sanggol,” noong Setyembre 11, 2018 sa Gymnasium I, Tanauan City.

Sa pangunguna nina City Mayor Atty. Jhoanna Corona-Villamor at City Vice Mayor Benedicto Corona, at sa pakikipagtulungan ng City Health Office, Committee on Health ng Sangguniang Panlungsod sa pamumuno ni Kon. Rizaldrin Epimaco Magpantay, at mga kinatawan ng Department of Health (DOH), matagumpay na naisakatuparan ang programa na dinaluhan ng higit 400 na mga buntis at nagpapasusong ina.

Ang symposium na ito ay naglalayong mabigyan ng angkop na kaalaman ang mga “participants”  ukol sa tamang nutrisyon, seguridad sa pagkain, pagbaba ng kahirapan at mga paalala para sa matagumpay na pagpapasuso.

Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Mayor Corona-Villamor na ang nasabing programa ay minabuting maisagawa sa lungsod sapagkat gaya niya na magiging isang “first time mother” sa napipinto nitong araw ng panganganak sa darating na Oktubre 26, ang symposium na gaya nito ay malaking tulong lalo na at natitiyak niyang ang pagiging isang ina ay hindi madali.

Kabilang naman sa mga nagsilbing “learning service provider” sina Ms. Sharon Lopez-Geronimo, Breastfeeding Pinay’s Certified at Breastfeeding Peer Councelor, at Ms. Jellie Anne Palencia, RND, Regional Infant and Youth Child Feering (ICYF) Program Coordinator ng Department of Health, at naroon din para mangasiwa sa programa si Ms. Lilibeth de Villa, City Nutrition Action Officer. # (MTSB/CIO-Tanauan)

Archive Videos

Parade of Lights 2017 Video

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

Parade of Lights 2015 Video

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Facebook

 


Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: attyjhoannacorona@gmail.com

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph