Press Releases

You are visitor #

2043818
TodayToday1227
This_WeekThis_Week7340
This_MonthThis_Month20583
All_DaysAll_Days2043818

Tanauan City mayor, nilinaw ang isyu sa sweldo ng ilang kawani

by: CIO TANAUAN/LACV (September 5, 2018)

sweldo

Si Mayor Atty. Jhoanna C. Corona-Villamor habang nagbibigay ng kanyang mensahe sa mga kawani ng Pamahalaang
Lungsod ng Tanauan sa isinagawang flag raising ceremonies noong Lunes, ika-2 ng Setyembre 2018. (Photo Courtesy: Jun

Mojares)


LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas – Sa kanyang mensahe sa isinagawang “flag raising ceremony” noong Lunes, Setyembre 2, nilinaw ni Mayor Atty. Jhoanna C. Corona-Villamor ang usapin patungkol sa pagbabago ng sweldo ng ilang kawani ng pamahalaang lungsod.

Ito ay hinggil sa di-umano’y pagbaba ng “rate” ng ilang “job order employees” na karamihan ay miyembro ng Tanauan City Community Patrollers (TCCP), na siyang bumubuo sa dating Mayor’s Anti-Crime Group (MAC-G) na programa ni dating mayor Antonio C. Halili.  Pahayag ni Mayor Villamor, bagamat tapos na ang programang ito, minarapat ng pamahalaang lungsod na panatilihin ang mga nasabing empleyado at ibalik na lamang sa kanilang “mother unit” na Civil Security Unit (CSU). Dagdag nya, “nararapat lamang po na ang kanilang sweldo ay bumalik sa dati, kapantay sa regular na CSU natin.”

Binigyang diin ni Mayor Villamor na bago pa man isagawa ang aksyon na ito, malaon nya nang nakausap at naipaliwanag ito sa mga bumubuo ng TCCP, na siya namang sinangayunan ng mga ito.

Sa kabila ng ilang katanungan sa naturang desisyon, siniguro naman ni Mayor Villamor na patuloy ang kanyang administrasyon, kaagapay ang Sangguniang Panlungsod, sa pagsusulong ng mga programa na magpapaunlad sa pamumuhay ng mga empleyado nito lalo’t higit ng buong sambayanang Tanaueño. #

Archive Videos

Parade of Lights 2017 Video

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

Parade of Lights 2015 Video

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Facebook

 


Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: attyjhoannacorona@gmail.com

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph