Press Releases

You are visitor #

2043818
TodayToday1227
This_WeekThis_Week7340
This_MonthThis_Month20583
All_DaysAll_Days2043818

Tree Planting Activity, isinagawa ng mga SK sa Tanauan

CIO Tanauan/LACV | August 30, 2018

sk

Ang pamahalaang lungsod ng Tanauan, sa pangunguna ni Mayor Atty. Jhoanna Corona-Villamor at ilang
miyembro ng Sangguniang Panlungsod kasama ang pamunuan ng Sangguniang Kabataan, sa pamumuno ni
Sangguniang Kabataan (SK) Federation President John Kennedy Macalindong (kaliwa), na nanguna sa
isinagawang Tree Planting Activity sa Sitio Ludlod, Brgy. Ambulong noong Agosto 26, 2018.


 

LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas—Bilang pakikiisa sa selebrasyon ng “Linggo ng
Kabataan” at International Youth Day at makatugon sa panawagan upang maibsan ang
lumalalang suliranin ng “climate change”, nagsagawa ng isang “tree planting activity” ang
pamunuan ng Sangguniang Kabataan(SK) ng lungsod na ito kamakailan.
Sa temang ““Trees for the Future”, mahigit 200 iba’t-ibang klase ng puno ang naitanim sa
pag-arangkada ng nasabing aktibidad na nilahukan ng mga SK officers mula sa apatnapu’t-
walong (48) baranggay sa lungsod, mga kawani ng pamahalaang lungsod at maging ang mga
bumubuo ng komunidad ng Sitio Lodlod.
Ang ganitong gawain ay kaakibat pa rin sa layunin ng pamahalaang lungsod na gawing mas
maging aktibo at kasangkot ang mga kabataang Tanaueño sa pangangalaga ng kapaligiran.
Ayon pa kay Mayor Atty. Jhoanna Corona-Villamor, “ang programang ito ay upang kilalanin
ang kontribusyon ng mga kabataan sa ating lungsod.” Dagdag pa niya, naniniwala sya na
simula pa lamang ang aktibidad na ito sa maraming magiging ambag ng mga kabataan para
sa kaunlaran ng Tanauan.

Website: www.tanauancity.gov.phTel no: (043) 728-9841 loc 1111/1112

Inilahad naman ng Sangguniang Kabataan ang kanilang plano na maipagtuloy ang ganitong
aktibidad sa pamamagitan ng pagsasagawa nito sa iba’t-ibang barangay sa lungsod.
Kabilang din sa nakiisa sa tree planting activity na ito ang mga bumubuo ng Sangguniang
Panlungsod, sa pangunguna ni Vice Mayor Benedicto Corona kasama sina Kon. Joseph
Castillo, Kon. Herman Trinidad, Kon. Atty. Gileen Canobas-Manaig at Kon. Rizaldrin Epimaco
Magpantay.#

Archive Videos

Parade of Lights 2017 Video

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

Parade of Lights 2015 Video

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Facebook

 


Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: attyjhoannacorona@gmail.com

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph