Press Releases

You are visitor #

1814337
TodayToday41
This_WeekThis_Week5177
This_MonthThis_Month23085
All_DaysAll_Days1814337

go site Pagkakaroon ng DENR-compliant sanitary landfill sa Tanauan City, mamadaliin

 

MTSB/CIO-Tanauan http://www.sephiroth.it/?chair-design-drafting-experience-md-objective-phd-resume | January 11, 2018

Si Mayor Thony C. Halili habang ipinapahayag ang pagsusulong ng pamahalaang lungsod ng pagkakaroon ng sariling sanitary landfill isinagawang flag raising ceremonies noong Enero 08, 2017. go to link (Photo Courtesy: Roderick P. Lanting| CIO Tanauan)


source site LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas- Do Parents Complete Their Childrens Homework Sana naman ay suportahan tayo ng ating mga kababayan sapagkat nakita natin ang masamang epekto ng walang sariling sanitary landfill.” Ito ang naging panawagan ni Mayor Thony Halili sa mga residente ng lungsod patungkol sa pagpapatayo ng isang sanitary landfill na mamadaliin ngayong taon.

 

Sa isinagawang flag raising ceremonies noong Enero 8, 2018,  ipinahayag ni Mayor Halili na ang pagkakaroon ng sariling sanitary landfill sa lungsod ang natatanging pangmatagalang solusyon upang hindi na maulit ang problema sa basura na naranasan noong nagdaang buwan ng Disyembre makaraang hindi nakapaghakot ang hauler at limitahan ang pagtatapon nito sa isang dumpsite sa Calamba City, Laguna.

 

Pagsisiguro pa ng punong lungsod, isang “DENR- compliant” sanitary landfill ang nakatakdang ipatayo upang hindi magdulot ng anumang polusyon o banta sa kalusugan ng mga Tanaueño.

 

Paliwanag din ni Mayor Halili, bagamat alam nito at nakatanggap na ng abiso ang kanyang opisina hinggil sa pagsasara ng dumpsite sa loob ng 2-3 taon, labis naman niyang ikinagulat ang naging hakbang ng Filinvest Land, Inc. sa pagbabawas ng mga trak ng basura na makapagtatapon sa lugar.

 

Ipinarating din niya na noong nakaraang taon ng 2017 ay nakapaglaan na ng Php 70M budget ang city government  na nakapaloob sa Appropriations Ordinance No. 2017-04 ng Sangguniang Panlungsod para sa pagbili ng lote at pagpapatayo ng sariling sanitary landfill kung saan ang konstruksyon ay itatakda sa loob lamang ng anim na buwan.

 

May nakatakda na ring iskedyul para sa isasagawang “public scoping” para sa proyektong ito upang bigyang linaw ang mga katanungan ng mga nangangambang residente partikular ang mga naninirahan sa eksaktong lugar na paglalagakan ng sanitary landfill.#

 

 

Archive Videos

follow url Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

 

 

go here Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Facebook

 


Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: cgt.tch@tanauancity.gov.ph

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph