Press Releases

You are visitor #

1814333
TodayToday37
This_WeekThis_Week5173
This_MonthThis_Month23081
All_DaysAll_Days1814333

6th Asian Zurkhaneh Sports & Koshti Palahvani Championships umarangkada sa Tanauan City

 

MTSB/CIO-Tanauan | December 21, 2017

Mainit na tinaggap ng lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni City Mayor Antonio C. Halili sa pakikipagtulungan ng City Tourism Office ang mga opisyales ng International Zurkhaneh Sports Federation at mga kasamang foreign athletes makaraang mag-courtesy call ang mga ito sa kanyang opisina noong Disyembre 20, 2017 bago magtungo sa Gymnasium I, Tanauan City para sa pormal na pagbubukas ng 6th Asian Zurkhaneh Sports and Koshti Palahvani Championship . see (Photo Courtesy: Roderick P. Lanting| CIO Tanauan)


LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas- Nasaksihan ang kanya-kanyang pagpapamalas ng kakaibang lakas ng mga foreign at national athletes na kalahok sa kasalukuyang ginaganap na 6th Asian Zurkhaneh Sports and Koshti Palahvani Championship na pormal na binuksan noong Disyembre 20, 2017 sa lungsod na ito.

 

Mainit na tinanggap ng lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni City Mayor Antonio C. Halili at sa pakikipagtulungan ng City Tourism Office ang mga opisyales ng International Zurkhaneh Sports Federation at mga kasamang manlalaro makaraang mag-courtesy call ang mga ito sa kanyang opisina bago magtungo sa Gymnasium I para sa Opening Ceremonies.

 

Unang pagkakataon ng bansang Pilipinas na maging “host country” ng naturang paligsahan at napakasuwerte ng lungsod makaraang ito ang mapiling venue dahil bukod sa pagkakaroon nito ng malaking potensiyal bilang “tourist spot”, marami na rin itong mga “zurkhaneh athletes”.

 

Ang zurkhaneh ay isang uri ng sports na mayroong kombinasyon ng martial arts at calisthenics na isinasagawa sa saliw ng tunog mula sa mga drums at “ringing bells.” Ito ay isang Persian sport na nangangahulugang “House of Strength” na tumutukoy sa lugar kung saan isinasagawa ang “Iran traditional exercises.”

 

Binigyang diin ni Bankim Singh Samrat, Presidente ng International Zurkhaneh Sports Federation (IZSF) sa kanyang mensahe ang kahalagahan ng disiplina, respeto at pagkakaisa sa ganitong klase ng palakasan at nagpasalamat sa lungsod sa napakainit nitong pagtanggap sa mga opisyales at atleta ng pederasyon. Pormal din niyang inimbitahan ang mga miyembro ng Philippine Zurkhaneh Sports Federation sa 7th Asian Zurkhaneh Sports na gaganapin taong 2018 sa kanilang bansa na South Korea.

 

Buong pagmamalaki namang ipinahayag ni Ronildo “Rhon” A. Palmera, Secretary General ng Philippine Zurkhaneh Sports Federation na ang pederasyon dito sa bansa ay nagsimula lamang sa 10 miyembro na ngayo’y lumago na sa bilang na 220 dahil sa pagsusumikap ng mga kagaya niyang naniniwala sa sports na ito na nagtataguyod ng kababang loob sa pamamagitan ng paglinang ng pisikal na lakas ng mga atleta. Umaasa din ito na sa mga susunod na taon ay mas dadami pa ang kanilang miyembro. source “Maybe in the years to come, we will be more solid and everything will be in order,” karagdagan niyang pahayag.

 

Kabilang sa mga lumahok sa  taunang torneyong ito ang mga atleta mula sa South Korea, Bangladesh, Hong Kong, India, Indonesia, Iran, Iraq, Kyrgyztan, Malaysia, Nepal, Singapore, Tajikistan, Vietnam, Taiwan, Thailand at Pilipinas

Archive Videos

Antti Arppe Dissertation Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

 

 

http://southerngothiccreations.com/thesis/ Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Facebook

 


Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: cgt.tch@tanauancity.gov.ph

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph