Press Releases

You are visitor #

1814333
TodayToday37
This_WeekThis_Week5173
This_MonthThis_Month23081
All_DaysAll_Days1814333

source site Php 50K AFP Scholarship Grant para sa TCC Cadet Corps Officer

 

MTSB/CIO-Tanauan enter | December 14, 2017

Kinatawan ni retired Philippine Marine General at City Councilor Benedicto Corona (gitna), Chairman ng Committee on Education ng Sangguniang Panlungsod si Tanauan City Mayor Antonio C. Halili sa isinagawang “Donning of Ranks, Knighting, Induction of Officers and Cadet’s Ball” noong Disyembre 08, 2017 sa Tanauan City College (TCC). Kasama sa larawan sina TCC President Michael E. Lirio, 1st Lt. Gloria D. Matanguihan ng Philippine Air Force, TCC Corps Cadette Captain Marissa Bautista na ginawaran ng Php 50,000 worth scholarship grant ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang mga ROTC members ng TCC. (Photo Courtesy: Roderick P. Lanting| CIO Tanauan)


help with sociology essays LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas- Dahil sa ipinamalas nitong “academic excellence” ng nakaraang 1st school semester para sa taong 2017, ginawaran ng Office of the Chief of Staff, Armed Forces of the Philippines (AFP) ng scholarship grant ang isang kadete ng Tanauan City College (TCC) Cadet Corps na si Cadette Captain Marissa Bautista.

 

Sa isang seremonya na isinagawa noong Disyembre 08, 2017 kasabay ng “Donning of Ranks, Knighting, Induction of Officers and Cadet’s Ball” na naisakatuparan sa pagtutulungan ng TCC at Philippine Air Force (PAF), 3rd Air Reserve Center, tinanggap ni Cadette Capt. Bautista ang tseke na nagkakahalaga ng Php 50,000 mula sa AFP na kinatawan ni 1st Lt. Gloria D. Matanguihan, PAF Administrative Officer.

 

Nakakuha ng kabuuang 1.50 general average sa kanyang 1st semester academic grades si Bautista dahilan upang makabilang siya sa mga piling kadete sa buong Pilipinas na nabigyan ng “scholarship incentive” para sa kasalukuyang taon.

 

Sa naging mensahe ni retired Philippine Marine General at City Councilor Benedicto Corona, Chairman ng Committee on Education ng Sangguniang Panlungsod at kumatawan kay Mayor Antonio C. Halili, hinikayat nito ang ibang ROTC members na magsilbing inspirasyon sa kanila si Bautista at sinabi rin nito na pinapaboran niya ang panunumbalik ng ROTC program sa mga pampubliko at pribadong paaralan sapagkat ito ang maglilinang ng disiplina, “camaraderie” at “sense of belongingness” ng mga estudyante.

 

Siniguro naman ni TCC President Michael E. Lirio ang kanyang buong suporta sa programa ng ROTC na kumikilala sa dedikasyon at pagiging makabayan ng mga kadete.

 

 

 

Archive Videos

go here Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

 

 

follow url Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Facebook

 


Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: cgt.tch@tanauancity.gov.ph

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph