Press Releases

You are visitor #

1814333
TodayToday37
This_WeekThis_Week5173
This_MonthThis_Month23081
All_DaysAll_Days1814333

Lakbay Aral ng Pinamalayan Municipality, sumentro sa “best practices” ng Tanauan City

 

MTSB/CIO-Tanauan | December 12, 2017

Pinangunahan ni City Mayor Thony C. Halili ang mainit na pagtanggap sa delegasyon ng Pinamalayan Municipality, Oriental Mindoro na nagtungo sa Tanauan City noong Disyembre 11, 2017 para sa isang developmental study tour at benchmarking activity. Ang nasabing delegasyon ay pinangunahan ni Municipal Mayor Aristeo A. Baldos, Jr. kasama ang kanyang Vice Mayor Rodolfo M. Magsino, mga Sangguniang Bayan members, ilang department heads at mga PRIME-HRM Committee members. enter (Photo Courtesy: Jun S. Mojares| CIO Tanauan)


click here LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas- Sentro ng isinagawang lakbay aral ng delegasyon ng Pinamalayan Municipality, Oriental Mindoro sa lungsod noong Disyembre 11, 2017 ang mga “best practices” nito partikular ang ukol sa “public governance” at implementasyon ng “Program to Institutionalize Meritocracy Human Resource Management” o PRIME-HRM.

 

Ang developmental study tour at benchmarking activity ng mga opisyales ng nabanggit na bayan ay pinangunahan ng kanilang Mayor na si Aristeo A. Baldos, Jr. at mainit naman silang tinanggap ng lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni City Mayor Antonio C. Halili .

 

Pinangunahan ni Ms. Jacqueline A. Landicho, OIC-HRMDO at recipient ng “2017 CALABARZON Best HRM Practitioner Award” ng Civil Service Commission Region IV-A ang mga best practices ng pamahalaang lungsod sa larangan ng Human Resource Management.

 

Tinalakay naman ni Ms. Aissa M. Leyesa, City Planning Development Office (CPDO) Department Head, ang ukol sa Tanauan City Public Market Redevelopment Project, ang kauna-unahang LGU-initiated “Public-Private-Partnership (PPP).” Ang kasalukuyang isinasaayos na palengke ay tinatayuan ng “state of the art commercial facility” na kapapalooban ng “wet and dry market” kabilang na ang paglalagak ng transport terminal at multi-level parking na sasagot sa mga suliranin ng trapiko.

 

Kabilang din sa aktibidad ang isang “city tour” sa mga historical locations at project sites ng lungsod gaya ng Public Market Redevelopment Site, Tanauan Museum, Laurel Ancestral House, Mabini Shrine, Lakeshore Development Site at Organic Demo Farm.

 

Bukod pa kay Mayor Baldos, Jr. ang 21 delegasyon mula sa Pinamalayan ay kinabibilangan din nina Vice Mayor Rodolfo M. Magsino, mga Sangguniang Bayan members, ilang department heads, at PRIME-HRM Committee members.

 

 

 

 

 

 

Archive Videos

click here Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

 

 

go to site Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Facebook

 


Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: cgt.tch@tanauancity.gov.ph

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph