Press Releases

You are visitor #

1768304
TodayToday1027
This_WeekThis_Week10040
This_MonthThis_Month33456
All_DaysAll_Days1768304

see Mga atletang Tanaueño na nag-uwi ng karangalan, kinilala

 

MTSB/CIO-Tanauan | December 6, 2017

Ang mga atletang Tanaueño na wagi sa nakalipas na Batang Pinoy Luzon Qualifying Leg, Vigan City na pinarangalan ng lungsod sa pangunguna ni City Mayor Thony Halili, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod at City Administrator Atty. Junjun Trinidad sa isinagawang flag raising ceremonies noong Disyembre 04, 2017. Makikita sa gawing itaas ang mga gold medalists na Tanauan City Baseball Team at ang Tanauan City Softball Team na binubuo ng mga babaeng manlalaro. Nasa ibabang bahagi naman ang mga Individual Players ng swimming competition na humakot din ng medalya na sina Ethan Roy Go at Darla Bernadethe Swing. Pinarangalan din ang Tanauan City Mustang 9 Baseball Team na tinanghal namang Champion sa nakalipas na Malarayat Baseball Tournament. http://noordinarycamps.org/writing-taxi-service/ (Photo Courtesy: Roderick P. Lanting | CIO Tanauan)


LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas- Pormal na binigyang pagkilala sa lungsod na ito ang mga namayagpag na atletang Tanaueño na humakot ng mga ginto at iba pang medalya mula sa iba’t ibang kompetisyon.

 Sa isinagawang flag raising ceremonies noong Disyembre 4, 2017, nanguna si City Mayor Antonio C. Halili kaisa sina City Vice Mayor Jhoanna C. Corona at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, sa paggagawad ng plake ng pagkilala para sa mga manlalarong nag-uwi ng medalyang ginto mula sa katatapos na Batang Pinoy 2017. Kabilang dito ang Tanauan City Baseball Team, Tanauan City Softball Team at si Ethan Roy Go na nagwagi ng tatlong (3) gintong medalya sa swimming competition sa mga kategoryang 200m breaststroke, 200m individual medley at 400m individual medley. Nagkamit din siya ng dalawang (2) silver medals para sa 50m breaststroke at 100m breaststroke categories.

 Ilan pa sa mga wagi ng silver medals ang Tanauan City Sepak Takraw Team at si Darla Bernadethe Swing sa 800m freestyle category ng swimming competition na nakapag-uwi din ng   bronze medal sa 400m freestyle category gayundin ang mga taekwondo players na sina Von Linus Paulin ng flyweight category at Denielle Sherie Baja ng heavyweight category.

 Pasok naman na National Finals qualifiers ang Swimming Team na binubuo nina Ray Jason L. Rosales, Lucia Claire D. Evangelista, at Shantal Evangelista. 

 Sa naging pahayag ni Mayor Halili, muli nitong binigyang diin ang opisyal na slogan ng lungsod, ang go “Tanauan, the Best Ka!,” bilang inspirasyon ng mga batang manlalaro.

 Kabilang sa mga pinasalamatan at binigyan ng pagkilala ni City Sports Development Officer Fortunato “Tato” Dimayuga, Jr. ang iba pang mga bumubuo ng delegasyon ng lungsod na sina Teddy Pol Landicho, Luisito Mercado at Terence L. Vispo (Tanauan City Basesball Team); Ramil V. Mercado, Joselito Villanueva at Jerryflin M. Geroche (Tanauan City Softball Team); Jhon Romar Buenaceda (Swimming); Johndel Lavariño (Tanauan City Sepak Takraw Team); Seigfred Neil Uy (Taekwondo) at Baseball Coordinator na si Kapt. Celestino Pamute.

 

 

Samantala, ginawaran din ng kaukulang pagkilala ang Tanauan City Mustang 9 Baseball Team makaraang tanghaling Kampeon sa isinagawang Malarayat Baseball Tournament sa Lipa City noong nakaraang buwan ng Nobyembre.

Archive Videos

see Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

 

 

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Facebook

 


Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: cgt.tch@tanauancity.gov.ph

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph