Press Releases

You are visitor #

1768304
TodayToday1027
This_WeekThis_Week10040
This_MonthThis_Month33456
All_DaysAll_Days1768304

Do Essay On Time Mga residente ng Tanauan, nagmartsa sa paglulunsad ng “MOVE”

 

MTSB/CIO-Tanauan | December 1, 2017

Humigit-kumulang 3,500 na residente ng Tanauan City ang nagmartsa noong Nobyembre 28, 2017 at nagtipon sa Pres. Jose P. Laurel Gymnasium I sa paglulunsad ng MOVE o ang Men Opposed to Violence Against Women Everywhere, isang samahan na binubuo ng mga kalalakihan na katuwang sa adhikaing wakasan ang karahasan laban sa mga kababaihan. here (Photo Courtesy: Roderick P. Lanting | CIO Tanauan)


LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas- Bilang bahagi ng taunang “18-day campaign to end violence against women”, humigit kumulang 3,500 na mga residente ng lungsod ang nagmartsa noong Nobyembre 28, 2017 sa paglulunsad ng MOVE o ang “Men Opposed to Violence Against Women Everywhere.”

 

Ang pagsusulong sa lungsod ng MOVE, isang samahan na binubuo ng mga kalalakihan na naglalayong makiisa sa adhikaing wakasan ang lumalaganap na karahasan sa mga kababaihan at iba pang kaugnay na kriminalidad ay naisakatuparan sa pangunguna ng City Social Welfare and Development (CSWD) Office kaisa ang Gender and Development (GAD) Office at ang mga opisyal at miyembro ng MOVE sa pangunguna ni Pastor Manny Medrana, ang kasalukuyang Presidente ng samahan.

 

Taong 2009 nang maging aktibo ang Department of Social Welfare and Development sa pagtuturo, pagpapalaganap ng adbokasiya na labanan ang karahasan at paghihikayat sa mga kalalakihan na maging aktibo sa mga kaugnay na programa upang matuldukan ang mga dinaranas na pang-aabuso ng mga kababaihan. Ito ang isa sa mga bagay na binigyang diin ni Lt. Ricky A. Bunao, RSW, Head, DSWD Sectoral at Past National President ng MOVE Philippines.

 

source “Violence continuous to be social and public health concern affecting thousands of women and children,” pahayag ni Lt. Bunao kasunod ang pagsasabi na napapanahon ng tuldukan ang pagturing sa mga kababaihan bilang isang “weaker sex.”

 

Sentro naman ng pahayag ni City Administrator Atty. Junjun Trinidad na siyang kumatawan kay Mayor Thony Halili ang intensyon na maiparating ang mga pangunahing suliranin ng lipunan kabilang na ang mga kriminalidad kung saan kadalasang babae ang mga nagiging biktima.

 

“Women of the old days believe that violence inflicted upon them is nothing but natural as part of the relationship,” mariing pahayag ni Atty.Trinidad. Aniya, kung noon ang karahasan ay usapin lamang ng mga “victims” at “perpetrators”, ngayon ito ay itinuturing ng “major concern” ng bawat isa. Karagdagan pang hamon nito sa mga nakiisa sa nasabing adhikain na nawa ay hindi matapos sa isinagawang parada at pagtitipon ang kanilang partisipasyon sa mga darating pang programa na naglalayong protektahan ang mga kababaihan sa lipunan.

 

Kabilang sa mga nakiisa sa programa sina City Vice Mayor Atty. Jhoanna C. Corona kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, Ms. Rebecca D. Javier ng GAD Office, Mrs. Lorna O. Cabrera, RSW, CSWD Officer, PSupt. Chitadel Gaoiran ng PNP Move at PSupt. Renato Mercado ng Tanauan City PNP..

 

 

Archive Videos

http://vcc.org.nz/sample-of-a-restaurant-business-plan/ Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

 

 

follow link Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Facebook

 


Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: cgt.tch@tanauancity.gov.ph

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph