Press Releases

You are visitor #

1768303
TodayToday1026
This_WeekThis_Week10039
This_MonthThis_Month33455
All_DaysAll_Days1768303

Suporta para kay Mayor Halili at pagsusulong ng pederalismo sa bansa, ipinagsigawan ng libo-libong Tanaueño

 

MTSB/CIO-Tanauan | December 1, 2017

http://www.jsira.com/religion-homework-help.html

 

LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas- Kasabay ng ikinasang “mass action” bilang suporta sa pagsusulong ng pamahalaang pederalismo sa bansa, higit kumulang 3,000 Tanaueño ang nagtipon-tipon sa lungsod upang iparating din ang kanilang nag-aalab na suporta sa isyung kinakaharap ni Mayor Antonio C. Halili.

 

Bitbit ang kani-kanilang karatula  o “placard” na naglalaman ng kanilang paniniwala sa pagbabagong hatid ng isang pederal na gobyerno, ang mga residente ng lungsod na kumakatawan sa iba’t ibang sektor gaya ng mga senior citizen, kababaihan, kalalakihan, business at religious sectors, mga miyembro ng academe, mga estudyante at iba pa kabilang na ang mga opisyal ng 48 barangay, ay nagsuot ng pulang t-shirt at madamdaming nagpahayag ng suporta sa progresong ihahatid ng pederalismo na sinabayan din nila ng mariing pagtutol sa naging akusasyon kay Mayor Halili na diumano ay sangkot ito sa lumalaganap na “illegal drug trade” dahilan upang alisan ito ng superbisyon sa lokal na kapulisan alinsunod sa inilabas na NAPOLCOM Resolution 2017-570  .

 

Matatandaan na ikalawang linggo ng Nobyembre ay nauna ng nagmartsa ang halos nasa 7,000 mga taga-Tanauan upang manawagan at tutulan ang isyung naipukol kay Mayor Halili at ang muling pagsasama-sama nila nitong Nobyembre 30, 2017 ay ikalawang yugto pa lamang ng kanilang pagkilos para suportahan ang punong lungsod sa laban nito para sa katotohanan.

 

“The accusation came from one lousy, fabricated intel report na ako ay may koneksyon kay see url San Rafael, Bulacan Mayor go to link  Cipriano 'Goto' Violago.” Ito ang naging pahayag ni Mayor Halili sa mensahe nito noong Lunes, Nobyembre 27, sa flag raising ceremony habang ibinabahagi ang kanilang naging usapan ni Presidente Rodrigo Duterte makaraang dumalo ito sa “Joint 63rd National Executive Board Meeting and 65th General Assembly ng League of Cities of the Philippines (LCP)” noong Nobyembre 21, 2017.

 

Dagdag pa ng Mayor, hindi siya natatakot na labanan ang lahat sapagkat alam nito na ang kanyang ipinaglalaban ay tama.

 

Kabilang din sa ibinahagi ni Mayor Halili noong makausap niya si Presidente Duterte ang naging tugon nito na siya ay napulitika lamang. Sinabi rin ni Mayor na hindi na siya nag-eentertain ng “political gains” o “political ambitions” dahil isang diploma na lang ang nais nitong makamit. “Ang hinihintay ko lang na diploma sa buong buhay ko ay iyong makatapos ako ng termino, tatlong termino sa Tanauan na maibigay ko ang pangangailangan, maayos ko ang ating bayan. Iyon po ang aking diploma at magreretiro na ako,” karagdagang pahayag pa ni Mayor Halili.

 

Sa “rally for federalism”, binigyang diin naman ni City Administrator Atty. Junjun Trinidad na si Mayor Halili ay hindi suspendido, hindi umaalis ng bansa at hindi nagtatago taliwas sa mga usap-usapan na lumalabas. Aniya, sila ay gumagawa ng mga aksyong legal sa kasalukuyan upang umapila sa mga inilabas na walang basehang “intelligence report” laban kay Mayor. At bilang buong paniniwala sa integridad ni Mayor Halili dulot ng mga magagandang nagawa nito sa lungsod, hinikayat ni Atty. Trinidad na ang mga nagsidalo ang siyang magparating sa mga mamamayan na si Mayor Halili ay patuloy na gumaganap sa kanyang katungkulan para maghatid ng progreso at kaunlaran sa lungsod.

 

Dagdag pa ni Atty. Trinidad, ang lokal na kapulisan sa lungsod ang siyang aatasan ng awtoridad upang linisin ang pangalan ni Mayor Halili at naniniwala ito na magkakaroon ito ng kaganapan sapagkat dalawang dating hepe na ng Tanauan PNP na sina PSupt. Robert R. Baesa at PSupt. Audie Madrideo ang nauna ng naglabas ng report na walang koneksyon sa droga ang alkalde bagkus ito pa ang nangunguna at sumusuporta sa mga operasyon laban sa ilegal na droga.

 

Kabilang din sa mga nagpakita ng mainit na suporta para sa katotohanan ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod at si Ms. Marissa Marasigan, City Local Government Operations Officer, DILG.

 

get link  

Archive Videos

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

 

 

follow site Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Facebook

 


Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: cgt.tch@tanauancity.gov.ph

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph