Press Releases

You are visitor #

1768304
TodayToday1027
This_WeekThis_Week10040
This_MonthThis_Month33456
All_DaysAll_Days1768304

Libreng Maintenance Medicines, hatid ng Hypertension and Diabetes Mellitus Club sa Tanauan City

 

MTSB/CIO-Tanauan | November 23, 2017

Makikita si Kon. Rizaldrin Epimaco Magpantay, Chairman ng Committee on Health and Social Public Welfare ng Sangguniang Panlungsod habang nagpapahayag ng kanyang mensahe para sa 240 senior citizens na naging “initial members” ng itinatag na “Hypertension and Diabetes Mellitus Club sa Tanauan City noong Nobyembre 22, 2017. Kabilang sa mga nanguna sa programa sina Dr. Adel Bautista, Dra. Imelda Bautista at mga kawani ng City Health Office. (Photo Courtesy: Roderick P. Lanting | CIO Tanauan)


enter site LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas- Libreng “maintenance medicines” ang hatid ng “Hypertension and Diabetes Mellitus Club” na pormal na itinatag sa lungsod na ito noong Nobyembre 22, 2017.

 Sa pangunguna ng City Health Office (CHO) na pinamumunuan ni Dr. Adel Bautista, at sa pakikipagtulungan ni  Kon. Rizaldrin Epimaco Magpantay, Chairman ng Committee on Health and Social Public Welfare ng Sangguniang Panlungsod, nakatakdang makatanggap ng libreng gamot ang humigit kumulang 240 na mga kasapi na karamihan ay senior citizens mula sa 48 barangay ng lungsod.

 Ang mga kasaping ito na sumailalim sa assessment, screening  at pangangasiwa ng CHO gamit ang Philippine Package of Essential NCD Intervention (PhilPEN) protocol ay pagkakalooban ng mga gamot gaya ng Losartan, Amlodipine at Metoprolol para sa mga may hypertension at Metformin naman para sa mga diabetics.

 Ang pagtatatag ng naturang health club ay alinsunod sa programa ng Department of Health (DOH) na naglalayong matustusan ang mga pangangailangan sa gamot ng mga pasyenteng dumaranas ng mga nabanggit na kondisyon na itinuturing na “top killers” sa Pilipinas ayon na rin sa inilabas na datos ng World Health Organization.

 Pinangunahan naman ni Dra. Imelda Bautista ang pagsasagawa ng “awareness lecture” na tumalakay sa mga kaparaanan kung paano magkakaroon ng isang “healthy lifestyle” ang mga dumaranas ng mga nasabing karamdaman.

 Inaasahan din na magkakaroon pa ng mga karagdagang club members sa mga darating na buwan.

 

 

Archive Videos

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

 

 

http://truefocusvideo.com/science-coursework-b-help/ Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Facebook

 


Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: cgt.tch@tanauancity.gov.ph

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph