Press Releases

You are visitor #

1768304
TodayToday1027
This_WeekThis_Week10040
This_MonthThis_Month33456
All_DaysAll_Days1768304

get link Tanauan City, nakiisa sa pagdiriwang ng National Children’s Month

 MTSB/CIO-Tanauan | November 23, 2017

Makikita sa kaliwang larawan ang isinagawang Opening Ceremonies ng National Children’s Month Celebration sa lungsod na isinagawa noong Nobyembre 16, 2017 na tinampukan ng mga patimpalak na nilahukan ng mga daycare students. Nasa kanang larawan naman ang mga batang contestants ng Barangay Bagumbayan na binigyang pagkilala sa Awarding Ceremonies noong Nobyembre 22, 2017 makaraang maging Champion sa paligsahan ng pagsasayaw at pagguhit kasama ang mga kawani ng City Social and Development (CSWD) Office sa pamumuno ni Gng. Lorna O. Cabrera, RSW.    follow (Photo Courtesy: Roderick P. Lanting | CIO Tanauan)


http://www.captainconso.com/to-kill-a-mockingbird-research-paper-topics/ LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas- Nagtapos ang isang linggong pagdiriwang ng pamahalaang lungsod ng Tanauan ng taunang selebrasyon ng National Children’s Month.

 Sa temang “ Buy Corel WordPerfect Office X5 Standard Bata Iligtas sa Droga”, nagtipon ang lahat ng daycare students kasama ang kanilang mga magulang at mga child development workers, mula sa limampu’t siyam (59) na Child Development Centers ng lungsod sa isang araw na pagdiriwang ng iba’t ibang kompetisyon kagaya ng “Singing,” “Folk Dance” at “Draw and Tell” para sa mga batang edad 4-5.

 Sa pangunguna ng City Social and Development (CSWD) Office na pinamumunuan ni Gng. Lorna O. Cabrera, RSW, kaisa ang mga kawani mula sa Child and Youth Section, sinimulan ang nasabing selebrasyon noong Nobyembre 16 at nagtapos nitong nakaraang Miyerkules, Nobyembre 22.

 Layunin ng programa na sa murang edad ng mga bata ay mapukaw ang kanilang interes sa pagpapalawak ng kanilang mga kakayahan at potensyal sa magkakaibang larangan upang mailayo ang atensyon ng mga ito sa ipinagbabawal na gamot.

  Kabilang din sa mga nagpakita ng buong suporta sa programa sina City Vice Mayor Jhoanna C. Corona kasama ang ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina Kon. Benedicto Corona, Kon. Gileen C. Manaig, Kon. Joseph M. Castillo, Kon. Angel V. Atienza at Kon. Herman G. Trinidad.

 

 

 

Archive Videos

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

 

 

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Facebook

 


Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: cgt.tch@tanauancity.gov.ph

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph