Press Releases

You are visitor #

1721639
TodayToday1228
This_WeekThis_Week7536
This_MonthThis_Month35197
All_DaysAll_Days1721639

here “Capital Formation” binigyang diin sa Tanauan City’s 11th Cooperative Month Celebration

 MTSB/CIO-Tanauan | November 9, 2017

 

Si Dir. Salvador Valeroso, Regional Dir. ng Cooperative Development Authority Region IV-A (ikaapat mula kanan) kasama sina City Administrator Herminigildo Trinidad, Jr., (ikaapat mula kaliwa) City Vice Mayor Jhoanna C. Corona (ikatlo mula kanan) at ang mga City Councilors na sina (R-L) Ben Corona, Herman Trinidad, Gileen C. Manaig, Joseph Castillo at Rizaldrin Epimaco Magpantay na dumalo sa isinagawang Culminating Ceremonies ng Tanauan’s 11th Cooperative Month noong Nobyembre 10, 20107  . get link (Photo Courtesy: Roderick P. Lanting  | CIO Tanauan)


follow link LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas- Nagkakaisa at malugod na nakibahagi ang mga miyembro ng dalawapu’t siyam (29) na rehistradong kooperatiba sa lungsod kasama ang mga kasaping ahensiya, mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan at   pamahalaang lungsod sa “Culminating Ceremonies” ng 11th Cooperative Month Celebration noong Nobyembre 10, 2017. 

Ang programa na inilunsad ng pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng City Cooperatives and Livelihood Development Office (CCLDO) ay may temang “Empowering the Poor and the Vulnerable towards Job Creation and Poverty Eradication,” na naglalayong mas mapaunlad pa ang kabuhayan ng mga Tanaueño sa tulong ng kooperatibismo.

Isa sa mga nagsilbing panauhing pandangal sa pagdiriwang si Dir. Salvador Valeroso, Regional Director ng Cooperative Development Authority Region IV-A na nag-iwan ng isang malaking hamon sa mga miyembro ng kooperatiba. “Ano po ang malaking hamon sa atin?-Capital Formation,” ito ang kanyang pahayag kasabay ang kanyang panghihikayat sa dumaraming miyembro na mas magbahagi pa ng karagdagang “investments” sa mga kooperatiba. Malaki ang paniniwala ng direktor na ang kooperatibismo ang pangtapat sa anyo ng pamahalaan ngayon. Aniya, kung walang kapital, walang produkto at serbisyo na malilikha at magreresulta ito sa walang kita. 

Nagwika naman ng taos-pusong suporta sa mga pinaniniwalaang adhikain ng mga kooperatiba ang dumalo na si Batangas Vice Governor Sofronio “Nas” Ona. Personal nitong ipinaabot na bukod sa apat (4) na kooperatiba sa lungsod na nabigyan ng kanyang tanggapan ng “financial assistance,” may mga nakatakda pa itong ilaan na tig-Php 10,000 sa ilan pang mapapalad na kooperatiba hindi lamang sa Tanauan kundi sa buong lalawigan.

Sa datos na ibinahagi ni Ms. May Teresita R. Fidelino, Department Head ng CCLDO, umabot na sa bilang na 6,253 ang mga miyembro ng kooperatiba sa Tanauan City at sa nakalipas na taon, 23 sa mga kooperatiba dito ang nakapagtala ng total assets na Php 76 M mula sa mga micro, small at medium enterprises.

Ang selebrasyong ito ng Buwan ng Kooperatiba ay naging matagumpay sa pakikipagtulungan nina City Mayor Antonio C. Halili, City Vice Mayor Atty. Jhoanna C. Corona at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, City Cooperative Development Council Officers, Tanauan City Micro, Small and Medium Enterprise Development Council (TASMEDC), Governor Hermilando Mandanas, Vice Governor Sofronio Ona, 3rd district Congresswoman Ma. Theresa Collantes, 3rd district Board Members Alfredo Corona at Devs Balba, 4th district Board Member Rowena Africa, Provincial Cooperative Livelihood and Entrepreneurial Development Office (PCLEDO), Department of Science and Technology (DOST), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Agriculture (DA), City Environment and Natural Resources Office (CENRO), City Agriculture Office, Office of the City Veterinarian, Tanauan Packaging and Service Center, at Waltermart.

Ilan pa sa mga isinagawang aktibidad ang Awarding Ceremonies para sa 7th Galing Koop Awards and 5th Galing Entrep Tanaueño Awards, Opening of Exhibit ng New Cooperative Ventures, Production Numbers, Presentation of 2017 Lakambini ng Kalikasan and Mutya ng Koop Tanauan, Presentation of CUB Ambassadress at Raffle draws.

 

 

Archive Videos

source url Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

 

 

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Facebook

 


Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: cgt.tch@tanauancity.gov.ph

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph