Press Releases

You are visitor #

1721640
TodayToday1229
This_WeekThis_Week7537
This_MonthThis_Month35198
All_DaysAll_Days1721640

Tanauan City, tinanghal na “Best City in Vaccination Coverage” sa ginanap na World Rabies Day 2017

 

MTSB/CIO-Tanauan see url | October 25, 2017

Pinangunahan ni Mayor Antonio C. Halili (ika-pito mula kaliwa) kasama sina Vice Mayor Jhoanna C. Corona (ika-walo mula kaliwa), City Councilors na sina (L-R) Angel Atienza, Joseph Castillo, Atty. Gileen C. Manaig, Jhon Magpantay, Lim Tabing, Gen. Ben Corona, Jun Goguanco at Eric Manglo, at City Administrator Atty. Junjun Trinidad (ikaapat mula kanan) ang paggagawad ng parangal sa pagiging magkatuwang ng City Health Office na kinatawan ni Dra. Imelda Bautista (ika-pito mula kanan) at City Veterinarian’s Office na kinatawan nina Dr. Aries Garcia (ikatlo mula kanan) at Dr. Johanes Tolentino (una mula kanan) sa implementasyon ng Rabies-Free Program na nagresulta sa pagiging “Best City in Vaccination Coverage” ng lungsod sa ginanap na “World Rabies Day 2017” noong Setyembre 29, 2017. http://profisvet.com/essay-for-graduate-school/ (Photo Courtesy: Roderick P. Lanting | CIO Tanauan)


follow site LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas-  Binigyan ng pormal na pagkilala ng mga opisyales ng lungsod na ito sa pangunguna ni Mayor Antonio C. Halili, Vice Mayor Jhoanna C. Corona at SP members, ang City Health Office at City Veterinarian Office sa isinagawang flag raising ceremony noong Lunes, Oktubre 23, 2017, makaraang tanghalin ng pamahalaang panlalawigan ang Tanauan bilang “Best City in Vaccination Coverage” sa nakalipas na selebrasyon ng “World Rabies Day 2017.”

 Sa resolusyong inihain ni Konsehal Rizaldrin Epimaco B. Magpantay na pinagtibay naman ng buong Sangguniang Panlungsod, pinapurihan at kinilala ang maigting at magkatuwang na implementasyon ng mga ito ng “Rabies-Free Tanauan City Program.” 

Base sa inilabas na datos ng OCVet, sa nakalipas pa lamang na buwan ng Setyembre ngayong taon, umabot na sa 87.27% o nasa bilang na 20,066 na mga aso buhat sa 48 barangays ng lungsod ang mga naturukan na ng “anti-rabies vaccines” kumpara sa tinarget ng pamahalaang lalawigan sa mga munisipalidad at siyudad na 70%.

Ang pakikiisa ng probinsiya ng Batangas sa selebrasyon ng World Rabies Day 2017 na ginanap sa Provincial Capitol Grounds noong Setyembre 29, 2017 sa temang “RABIES: Zero by 2020,” ay naglalayong magkaroon ng pagkakaisa ang lahat ng sakop nitong munisipalidad at siyudad sa pagsugpo ng mga insidente o kaso ng mga nakakakagat na asong may rabies. 

Pinarangalan din bilang “Best Barangay Animal Health Worker Group” ang Barangay Animal Health Workers Association ng lungsod dahil sa dedikasyon at pakikiisa ng mga ito sa implementasyon ng nasabing programa.

 

 

 

Archive Videos

page Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

 

 

Exploring Writing Paragraphs And Essays Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Facebook

 


Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: cgt.tch@tanauancity.gov.ph

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph