Press Releases

You are visitor #

1721640
TodayToday1229
This_WeekThis_Week7537
This_MonthThis_Month35198
All_DaysAll_Days1721640

page Mga opisyales ng Quezon City, bumisita sa Tanauan para sa isang “benchmarking activity”

 

MTSB/CIO-Tanauan enter | October 25, 2017

Ang buong delegasyon ng Barangay Horseshoe, District IV, Quezon City sa pangunguna ni Barangay Chairman Francisco M. Aguilar na nagcourtesy call kay Mayor Thony Halili (center) noong Oktubre 20, 2017. Makikita rin sa larawan si City Local Government Operations Officer Ms. Marissa Marasigan (una mula sa kanan) na nangasiwa ng isinagawang “benchmarking activity.” next (Photo Courtesy: Jun S. Mojares | CIO Tanauan)


follow site LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas-  Mainit na pagtanggap ang iginawad ng pamunuang lungsod sa pangunguna ni Mayor Antonio C. Halili sa buong delegasyon ng Barangay Horseshoe, District IV, Quezon City na bumisita noong Oktubre 20, 2017 para sa isang “benchmarking activity.”

Ang “study tour” ay maayos na pinangasiwaan ni City Local Government Operations Officer Ms. Marissa Marasigan at partikular na binisita ang Barangay Sambat Birthing Home upang siyasatin ang mga ipinagkakaloob na serbisyo dito sa ilalim ng “Maternal Health Care Program ng lungsod na maaari nilang i-adapt sa kanilang lugar.

Ang delegasyon ng nasabing barangay ay pinangunahan ni Barangay Chairman Francisco M. Aguilar kasama ang iba pang opisyal, barangay kagawad, Chief of Staff , GAD Focal Person at Nutrition Coordinator.

Isa sa mga ipinagmalaki ng pamunuan ng Barangay Sambat Birthing Home ang 100% safe delivery ng mga nanganak na pasyente.

Nauna na ring nagsagawa ng “learning visit” sa naturang “lying in” noong Setyembre 29, 2017 ang delegasyon ng Barangay Pinagkaisahan, District IV, Quezon City sa pangunguna naman ni Barangay Chairman Vincent T. Saab.

 

Archive Videos

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

 

 

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Facebook

 


Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: cgt.tch@tanauancity.gov.ph

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph