Press Releases

You are visitor #

1768296
TodayToday1019
This_WeekThis_Week10032
This_MonthThis_Month33448
All_DaysAll_Days1768296

Elderly Week 2017, makulay na ipinagdiwang sa Tanauan City

 

MTSB/CIO-Tanauan | October 11, 2017

Sina OSCA President Nicolas M. Chavez kasama sina Former Tanauan Mayor Francisco “Paquito” Lirio at mga Senior Citizen Federation Presidents na sina Conrado Tolentino ng Brgy. Trapiche, Fidelino Cabrera ng Brgy. Suplang at Gaudencio Maunahan ng Brgy. Santol. (Photo Courtesy: Roderick P. Lanting | CIO Tanauan)


LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas-  Mahigit tatlong libong (3,000) miyembro ng Senior Citizen’s Federation mula sa 48 barangay ng lungsod na ito ang nagtipon-tipon sa naging matagumpay na pagdaraos ng “Elderly Week Celebration 2017” noong Oktubre 6, 2017 sa Gymnasium II ng Old City Hall Compound.

Sa temang “Pagkilala sa Kakayahan – Ambag at Paglahok ng Nakakatanda sa Lipunan” na pinangunahan ng Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA) sa pamumuno ni G. Nicolas M. Chavez at sa pakikipagtulungan nina Punong Lungsod Antonio C. Halili, Pangalawang Punong Lungsod Atty. Jhoanna C. Corona at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, isinagawa ang nasabing pagdiriwang.

Buong pagmamalaki na ipinahayag ni Punng Lungsod Thony Halili na mula sa 6,000 miyembro ng senior citizen buhat nang siya ay manungkulan taong 2013 ay higit pang lumaki ang bilang ng mga ito na ngayo’y nasa mahigit 17,000 na. Ito ay sa kadahilanang napakaraming benepisyo ang naitatala ng pamunuang lungsod para sa mga nakakatandang mamamayan. Ilan na rito ang mortuary services, social pension, Philhealth, mga libreng gamot, at birthday cash gift.

Lubos na pasasalamat naman ang tinuran ni Pangalawang Punong Lungsod Jhoanna Corona at nangako na kaisa ang buong SP ay magpapatuloy sila sa pag-aaral upang makapagpasa ng mga ordinansa na mag-aangat ng kabuhayan at mangangalaga sa karapatan ng mga senior citizen.

Kinatawan naman ni dating Tanauan Mayor Francisco “Paquito” Lirio si Batangas Governor Hermilando Mandanas na siyang panauhing pandangal. Ibinahagi nito na aprubado na ang pension na ipagkakaloob ng pamahalaang panlalawigan sa mga retiradong barangay captains na sisimulan sa Enero 2018.

Ilan pa sa mga serbisyong tinanggap ng mga dumalong matatanda ang medical check-up kasama ang blood chem at ECG gayundin ang pagbili ng mga branded na gamot sa murang halaga.

Ipinarating rin ni G. Chavez sa mga miyembro na 40,000 sako ng 5 kilong bigas ang ipinahahanda na ni City Mayor Halili para ibigay sa mga senior citizen members ngayong Disyembre.

Lubos ang kasiyahan ng mga nagsidalo makaraang magsagawa ng “raffle draw” kung saan ang mga papremyo ay pinag-ambag ambagan nina City Mayor Antonio C. Halili kasama sina Batangas Vice Governor Sofronio “Nas” Ona, 3rd district Congresswoman Ma. Theresa V. Collantes, 3rd district Board Members Alfredo C. Corona at Devs Balba, at City Councilors na sina Ben Corona, Herman Trinidad at Lim Tabing.

 

Archive Videos

source link Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

 

 

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Facebook

 


Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: cgt.tch@tanauancity.gov.ph

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph