Press Releases

You are visitor #

1768297
TodayToday1020
This_WeekThis_Week10033
This_MonthThis_Month33449
All_DaysAll_Days1768297

page Natatanging Kawani ng Tanauan, binigyang pagkilala

 

MTSB/CIO-Tanauan source | October 5, 2017

Si City Mayor Antonio C. Halili (gitna) kasama sina City Vice Mayor Atty. Jhoanna C. Corona (ikasampu mula sa kanan) at ang buong miyembro ng Sangguniang Panlungsod kasama ang mga kinilalang loyalty awardees ng Tanauan City na patuloy na naninilbihan sa lungsod sa loob ng 30, 35 at 40 taon. http://www.you-select.nl/?term-paper-editing-services (Photo Courtesy: Jun S. Mojares | CIO Tanauan)


LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas-  Bilang bahagi ng isang buong buwang selebrasyon ng ika-117 taong anibersaryo ng Philippine Civil Service, pinangunahan ni Punong Lungsod Antonio C. Halili ang paggagawad ng sertipiko ng pagkilala at kaukulang “cash incentives” sa mga kawani na nakapagsilbi sa siyudad sa loob ng 30, 35 at 40 taon gayundin ang mga napiling huwarang empleyado para sa iba’t ibang kategorya sa ginanap na Flag Raising Ceremony noong Oktubre 2, 2017 sa lungsod na ito. 

Nagkamit ng tig-limang libong piso ang mga nahirang sa inilunsad na Search for Model Employees 2017 ng iba’t ibang kategorya na sina Genielyn Balahadia ng City Social Welfare and Development Office (Job Order Category), Leoncio Narvaez ng General Services Office (Rank & File Category) at Maura Balahadia ng City Assessor’s Office (Supervisor Category).

Kaugnay naman ng taunang isinasagawa na Program on Awards and Incentives for Service Excellence (PRAISE) na kumikilala sa mga loyalty awardees na kawani ng siyudad, tatlo (3) sa mga naninilbihan na ng 40 taon ang pinagkalooban ng tig- Php 10,000, sina Juana M. Tenorio, Marciana P. Ortiz, at Francisca N. Casila; tatlo (3) din ang nakaabot ng 35 taon at nakatanggap ng tig- Php 7,000, sina Aurora P. Perez, Teresita S. Embalsado at Emelda O. Padilla; at pito (7) naman ang nakapagsisilbi na ng 30 taon at nabigyan ng tig-Php 5,000, sina Herman M. De Luna, Marcelina M. Opeña, Pablito H. Banaag, Elmer T. Casila, Felix M. Olea, Lizardo D. De Vera at Ariston B. Perez.

Sa tema ng anibersaryo ng komisyon na “Tugon sa Hamon ng Pagbabago: Malasakit ng Lingkod Bayani,” ilang mga makabuluhang programa ang naisulong ng Human Resource Management and Development Office (HRMDO) noong nakaraang buwan ng Setyembre at kabilang na dito ang Medical Check-up para sa lahat ng empleyado kaisa ang City Health Office, Orientation for Newly Permanent Employees, Lakbay-Aral sa pakikipagtulungan ng Community Affairs Office, Coastal Clean-up katuwang ang City Environment and Natural Resources Office at Sports Activities.  

Lubos na pinapurihan ni Atty. Rivah J. Villalon, OIC-HRDD ng CSC-Regional Office IV at nagsilbing panauhin sa isinagawang “Culminating Activity” ang taunang kooperasyon ng lungsod sa pagdiriwang ng anibersaryo ng Civil Service Commission (CSC) sapagkat isa ang Tanauan sa mga LGU na palagiang nakikipag-ugnayan sa kanila upang maisabuhay ang tunay na diwa ng pagmamalasakit sa mga lingkod bayani ng bansa.

Nagpahayag naman ng kanyang taos-pusong pagbati si Punong Lungsod Antonio C. Halili sa mga kinilalang kawani at muling iniwan ang parati nitong hamon sa mga kasamang lingkod bayan na laging higitan pa ang mga magaganda ng nagagawa upang mas makapaghatid ng mahusay na serbisyo para sa mga mamamayang Tanaueño. 

Kabilang din sa mga nagpakita ng buong suporta sina City Vice Mayor Atty. Jhoanna C. Corona, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, department heads at mga kawani sa pangunguna ni City Administrator Atty. Herminigildo Trinidad, Jr.

 

Archive Videos

http://utdallas.lambdaphiepsilon.com/microsoft-office-excel-mac-best-price-excel-for-mac/ microsoft office excel mac best price excel for mac Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

 

 

page Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Facebook

 


Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: cgt.tch@tanauancity.gov.ph

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph