Press Releases

You are visitor #

1814332
TodayToday36
This_WeekThis_Week5172
This_MonthThis_Month23080
All_DaysAll_Days1814332

http://www.ctdesign.it/?essay-on-capital-punishment essay on capital punishment 2,235 K-12 na mga libro, inihandog sa Tanauan City

go to link  MTSB/CIO-Tanauan ǀ August 04, 2017

Si Punong Lungsod Antonio C. Halili (gitna) matapos igawad ang plake ng pagkilala sa mga naghandog ng 2,235 K-12 na mga libro na sina Major Gen. Raul M. Farnacio, AFP Commander, 8th Infantry Division (pang-apat mula sa kaliwa) at Salvacion R. Calabucal, miyembro ng Rotary Club International, Makati City (pang-lima mula sa kaliwa). Kasama din sa larawan ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina (L-R) Kon. Joseph Castillo, Kon. Rizaldrin Magpantay, Kon. Lim Tabing, Kon. Benedicto Corona, Kon. Angel Atienza, Kon. Herman Trinidad, Kon. Gileen Canobas-Manaig, at Kon. Marcial Goguanco, Jr.(photo courtesy: Jun S. Mojares/CIO-Tanauan)


get link LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas --- Binigyang parangal ng lungsod na ito ang mga miyembro ng sibikong organisasyon at institusyon ng gobyerno na naging bahagi ng paghahandog ng 2,235 K-12 na mga libro na tinanggap ni Punong Lungsod Antonio C. Halili at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod sa isinagawang flag raising ceremony noong Lunes, Hulyo 31, 2017.

Ang naturang mahigit dalawang libong libro ay mga donasyon para sa Knights of Columbus (KC), isang “Catholic-based fraternal organization” na ipinagkaloob naman ng kanilang mga opisyales sa lungsod ng Tanauan bilang pagtugon sa mga suliranin ng kakulangan sa libro ng mga paaralan.

Malugod na pasasalamat ang iginawad ni Mayor Halili na isa ring KC brother kina Salvacion R. Calabucal, miyembro ng Rotary Club International, Makati City; Major Gen. Raul M. Farnacio, AFP Commander, 8th Infantry Division; Col. Leonardo Dacumos, GSC (INF) PA, 8th Infantry Division; 1st Lt. Tahir A. Macalantangui, (FA) PA; at Sgt. Dan Carlo S. Samoza, (INF) PA, 8th Infantry Division.

Ang kanilang mga inihandog na libro ay kinabibilangan ng Integrated Algebra (144 pcs), Cornerstone SB Level (180 pcs), Chemistry: The Physical Setting (142 pcs), Physics: Physical Setting (74 pcs), Algebra Readiness (120 pcs), Technology Application Gr. 7 (400 pcs), Literature-Gr. 7 (36 pcs), Literature- Gr. 8 (80 pcs), Little Big Book (400 pcs), Impact Mathematics (19 pcs), A Day in the Life of a Builder (480 pcs), at A Day in the life of a Police Officer (160 pcs).

 

Archive Videos

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

 

 

go to site Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Facebook

 


Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: cgt.tch@tanauancity.gov.ph

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph