Press Releases

You are visitor #

1762644
TodayToday309
This_WeekThis_Week4380
This_MonthThis_Month27796
All_DaysAll_Days1762644

http://smithsdaffodils.com/thesis-custom-background/ Paligsahan sa Pagsusulat ng Sanaysay at 12th Palarong Bayani, isinagawa sa Tanauan City

Maria Teresa S. Buño | Hulyo 27, 2016

(Left Photo) Si Tanauan City Mayor Antonio C. Halili habang hinihikayat ang mga mag-aaral partikular ang mga sumali sa paligsahan ng Pagsusulat ng Sanaysay na magsilbing idolo nila si Gat. Apolinario Mabini sa kanilang pag-aaral. (Right Photo) Ang ilan sa mga may kapansanan na lumahok sa isinagawang 12th Palarong Bayani kaugnay ng pagdiriwang ng ika-152 taon ng kapanganakan ng Pambansang Bayani, Gat. Apolinario Mabini. (photo courtesy-Jun Mojares, CIO )

 

 

http://www.stemcellslab.net/how-to-write-personal-statement-medical-school/ LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas- Kasama sa mga idinaos na programa patungkol sa paggunita ng ika-152 taon ng kapanganakan ni Gat. Apolinario Mabini at mga naging bahagi nito sa kasaysayan ng bansa ang pagsasagawa ng  ika-12 taon ng Palarong Bayani noong Hulyo 15, 2016 kung saan ang mga nagwagi sa mga paligsahan ay sina Marcos Rabasto at Jesabel Tordicilla-Champion; Ronnie Falco at Lita Paz-2nd placer; at Benjul Dela Fuente at Sophia Manlapaz -3rd placer (Badminton on Wheels-Mixed/Doubles); Jayson Sarmiento-Champion; Pierre Nicko Sudario-2nd placer; Edwin Bayani-3rd placer (Table Tennis on Wheels-Male); Elkie Mingarine- Champion; Marie Concepcion-2nd placer; Elisa Arcayos-3rd placer (Table Tennis on Wheels-Female); TWH All Star: Champion-Cesar Morgia, Manuel Rebato, Emerlito Lucas, Juanito Mingarine, Rene Macabenguil, Jeff Legacion, Cristian Bolagaao, Tirso Mayor, Jonas Matados, Luis Dumagas, Marcos Robasto, Jr.; QC Mustang: 2nd placer- Jerold Mangliwan, Harold Lilagan, Marlon Nacita, Clefford Obero, Julius Obero, Vengie Aurillo, Jeff Biteng, Benjul Dela Fuente, Mark Ramirez, Kenneth Tapia, DJ Castro, Rodrigo Puduitan, Andy Avellana (Basketball on Wheels); Christopher Bautista-Champion, Alex Tevez- 2nd placer, Justine Gallaza- 3rd placer (Chess on Wheels-Male); Geraldine Mechabenguil-Champion, Jean Lee Nacita-2nd placer, Maan Paralejas-3rd placer (Chess on Wheels-Female); Arman Dino, Jerome Fernandez, Eliza Arcayos-Champion; John Patrick Esto, Arnel Palmero, John Richard- 2nd placer; Emil Gutierrez, Rowwel Medina, Emily Corpuz-3rd placer (Duyan Race); Prudencia Panaligan-Champion, Lita Paz-2nd placer, Ruth Opeña-3rd placer (Wheelaton- Female, 4 Wheels); Julius Obero-Champion, Marcos Rabatos-2nd placer, Rene Macabenguil-3rd placer (Wheelaton-Male, 4 Wheels); Bernie Bohol-Champion, Jonas Matados-2nd placer, Jerold Mangliwan-3rd placer (Wheelaton-3 Wheels).

 

Sa isinagawa namang Paligsahan sa Pagsulat ng Sanaysay 2016 noong Hulyo 19, 2016 sa E-Learning Center, Mabini Shrine, Brgy. Talaga, na may temang “Utak-Mabini sa Makabagong Henerasyon; Linangin, Isabuhay, at Pagyamanin,” ang mga tinanghal na nagwagi ay ang Tanauan School of Fisheries (1st placer) na binubuo nina Jeremie A. Umali-Participant, Elvira M. Tamondong-Coach at Gaspar P. Carbonel, Ed.D.-Principal; Bernardo Lirio Memorial National High School (2nd placer) na binubuo nina Alexandra Grace M. Delis-Participant, Winnie M. Tenorio-Coach, Gloria C. Calapati-Principal; at Pres. Jose P. Laurel National High School (3rd placer) na binubuo nina King Guio T. Paguia-Participant, Cecile V. Barreda-Coach at Nancy B. Maralit-Principal. Ang paggawad ng gantimpala ay isinagawa noong mismong araw ng kapanganakan ni Mabini, Hulyo 23, 2016. #

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Mayor Halili Inihalal na Regional Representative for Region IV-A ng League of Cities of the Philippines

 

(Left photo) Si Tanauan City Mayor Antonio C. Halili habang nanunumpa kay DILG Secretary Ismael Dres Sueno makaraang mahalal ito bilang Regional Representative for Region IV-A (CALABARZON) sa isinagawang 63rd General Assembly & 11th National Election of Officers ng League of Cities of the Philippines noong Hulyo 22, 2016 sa Crowne Plaza Manila Galleria, Quezon City. (Right Photo) Si Mayor Halili (2nd from right) kasama ang iba pang mga opisyales ng LCP para sa isang souvenir photo sa Malacañang Palace habang hinihintay si Pangulong Rodrigo Duterte kung saan sila manunumpa noong Hulyo 27, 2016. (photo courtesy- Jun Mojares, CIO-Tanauan)

 

Lungsod ng Tanauan, Batangas – Isangmalakingkarangalannanamanangnakatakdangigawadsalokalnapamahalaan ng lungsodnaitomatapositongmakapasasamahigpitnapamantayan ng napakapristihiyosong Philippine Quality Award o PQA.

Sa opisyalnalihamni Executive Director Virgilio P. Fulgencio ng tanggapan ng Competitiveness Bureau sailalim ng Department of Trade and Industry (DTI) na may petsang Abril 13, 2016, ipinaabotnito kay Tanauan City Mayor Antonio C. Haliliangmalugodnapagbatimakaraannaang City Government of Tanauan ay mahirang ng PQA Board of Judges bilangisamgagagawaran ng nasabingparangalsaisasagawang 18th PQA Conferment Ceremony saPalasyo ng Malacañangsahindi pa naitatakdangaraw. 

MismongsiPangulongBenigno S. Aquino III angmaggagawad ng naturangparangal, angpinakamataasnaantas ng pagkilalanaibinibigay ng pamahalaan para samganatatangingpribado o pampumblikongtanggapannanagpamalas ng kahusayansalarangan ng “Total Quality Management.”

Simulanangitatagang PQA noong 1997, sapamamagitan ng Executive Order No. 448 ni Dating Pangulo Fidel V. Ramos, nanagingisangganapnabatasnamansapamamagitan ng Republic Act No. 9013 o mas kilalabilang “Philippine Quality Award Act of 2001”, dalawang local government units (LGU) pa langangnagawaran ng nasabingparangal – angmgalungsod ng Marikina (1998 at 1999) at Makati (2000).  At sanakalipasna 18 taongkasaysayan ng PQA, angTanauan City angikatlong LGU namakakasungkit ng karangalangito. 

Buongpagmamalakinamangbinatini Mayor Halilianglahat ng empleyado ng PamahalaangLungsodmataposmatanggapangmagandangbalita.  “Sa tulongninyonglahat at pakiki-isasaakingmgaadhikain, unti-untinatingnai-aangatangantas ng serbisyopublikosaatinglungsod at kayang-kaya nanatingmakipagsabayansapribadongsektor at magingsamga multi-national organizations,” aniya.

Sa ilalim ng administrasyonni Mayor Halilinagingpuspusannaangkampanya ng pamahalaanglungsodsapagpapalakas at pagsusulong ng propesyonalismosahanay  nglokalnaburukrasya.  AngPamahalaangLungsod ng Tanauan ay may 33 serbisyonasertipikado ng ISO 9001:2008 at itinanghalnapangalawangpinakamagalingsabuongmundosalarangan ng “benchmarking” saginanapna 3rd Global Benchmarking Award sa Abu Dhabi, United Arab Emirates noong 2014.#

 

 

 

By Gerard Laresma | January 21, 2016

Malugod na tinanggap ni Tanauan City mayor Antonio C. Halili (pangalawa mula sa kaliwa) ang kopya ng Resolusyon na ipinasa ng Sangguniang Panlungsod na kumikilala sa kapuri-puri at natatanging pagganap sa kanyang tungkulin bilang punong ehekutibo ng lungsod.  Makikita sa larawan sina (L-R) Vice Mayor Atty. Jhoanna Corona, Mayor Halili, Kon. Ben Corona, Kon. Herman Trinidad, Kon. Atty. Gileen Canobas-Manaig at Kon. Joseph Castillo.  (Photo credit: Jun Mojares/CIO-Tanauan)

home page LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas – Ginawaran kamakailan ng mga miyembro Sangguniang Panlungsod si Tanauan City mayor Antonio C. Halili ng isang pagkilala para sa kapuri-puri at natatanging pagganap ng kanyang tungkulin bilang punong ehekutibo ng lungsod.

“Sa loob lamang ng dalawang taon sa ilalim ng kanyang administrasyon, pumailanlang ang lungsod at nakilala sa larangan ng pag-unlad at mabuting pamamahala,” ito ang nilalaman ng Resolusyon Bilang 2016-001 na isinulong ni Konsehal Atty. Epimaco Magpantay at buong pagkakaisang ipinasa ng mga miyembro ng Sanggunian sa pangunguna ni Vice Mayor Atty. Jhoanna Corona.

Ang tinutukoy sa nasabing Resolusyon ay ang ibat-ibang mga parangal at pagkilala na nakamit ng lungsod sa ilalim ng pamamahala ni Mayor Halili.  Gayun din, ang mga programa at inisyatiba na inilatag at ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa loob ng nasabing panahon.  

Sa unang 100 araw pa lamang ng kanyang panunungkulan, nakilala na agad si Mayor Halili dahil sa 100 proyekto at programa na kanyang nakumpleto – isang pambihirang katuparan na umani ng papuri mula sa ibat-ibang sektor.  Gayundin, mula sa siyam na serbisyo ng Pamahalaang Lungsod na sertipikado ng ISO 9001:2008 sa pag-upo niya noong kalaghatian ng 2013, umangat na sa tatlumpo’t tatlo ang nagawaran ng nasabing pandaigdigang pamantayan ng kalidad sa pagtatapos ng 2015.

Hinirang naman bilang “2014 Best Local Chief Executive – City Category” ng Philippine National Police Regional Office IV-A (PNP-CALABARZON) si Mayor Halili dahil sa kanyang malawakan at epektibong kampanya kontra kriminalidad sa lungsod.  At napili naman bilang “Mabini-Batangan City of the Year” ang Lungsod ng Tanauan sa kasabay na taon.

Lubusan namang nakilala ang Pamahalaang Lungsod sa husay ng mga empleyado nito matapos tanghaling Grand Champion sa isinagawang “1st Philippine Benchmarking Competition” noong Oktubre 2014 at pagkatapos ay kopohin ang “First Runner-Up” sa “3rd Global Benchmarking Awards” na ginanap sa Abu Dhabi, UAE noong sumunod na buwan ng Nobyembre.  

At dahil sa mga makabuluhang inisyatiba ni Mayor Halili para isulong ang turismo ng lungsod, naging paboritong lugar na pagdausan ng ibat-ibang prestihiyosong “beauty contest” ang Tanauan gaya ng Miss Earth at Miss Global Philippines.  At ang pinakatampok, nakilala ang lungsod bilang “Tanauan City – The City of Colors” matapos ang matagumpay na pagdaraos ng kaunaunahang “Parade of Lights” sa buong bansa kaalinsabay ng ika-13 taong anibersaryo ng pagkakatatag nito bilang lungsod noong 2014.

Lubos naman ang kasiyahan ni Mayor Halili sa pagtanggap ng pagkilala at ipinagmalaki na katuwang niya sa tinamong karangalan ang lahat ng mga empleyado ng pamahalaang lungsod.#

 

 

 

Archive Videos

Expert Essay Help Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

 

 

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Facebook

 


Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: cgt.tch@tanauancity.gov.ph

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph