Press Releases

here We have 40 guests and no members online

You are visitor #

1670140
TodayToday361
This_WeekThis_Week3900
This_MonthThis_Month27073
All_DaysAll_Days1670140

Drown Free Program sa Tanauan City, inilunsad

 

MTSB/CIO-Tanauan follow | October 5, 2017

Si City Mayor Antonio C. Halili kasama ang aktor na si Enchong Dee, City Sports Development Commissioner Fortunato Dimayuga Jr., mga professional swim teachers ng Bert Lozada Swim School at Tanauan City Swim-Club Black Marlins, at ang mga batang beneficiaries ng programa na  nagmula sa Barangay Trapiche at Barangay Pagaspas Elementary School. follow url (Photo Courtesy: Roderick P. Lanting | CIO Tanauan)


http://www.mainframechina.com/university-admission-essay/ LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas-  Upang mabigyan ng angkop na kaalaman at kaakibat na pagsasanay sa paglangoy, 81 bata na nagmula sa mga indigent families at 10 batang may kapansanan ng lungsod na ito ang sumailalim sa inilunsad na “Drown Free Program” na ginanap noong Setyembre 29, 2017 sa olympic size swimming pool ng Barangay Trapiche.

Ang nasabing programa ay naisakatuparan sa pagtutulungan ng City Sports Development Office, aktor na si Enchong Dee na nagsagawa ng  “Handog Palangoy ni Enchong Program”, Bert Lozada Swim School at Tanauan City Swim Club-Black Marlins.

Pebrero noong nakaraang taon ng 2016 nang magpahayag ng pagnanais na magkaloob ng “free swimming lessons” si Enchong sa mga “less fortunate children” ng lungsod at upang mabigyang daan ito, isang olympic size swimming pool para sa mga Tanaueño ang ipinagawa at pinondohan ng pamahalaang lungsod.

Sa mensahe ni Punong Lungsod Antonio C. Halili, sinabi nito na malaki ang kanyang suporta sa mga kaugnay na programang pampalakasan sapagkat sa pamamagitan nito ay makakaiwas sa masasamang bisyo ang mga kabataan, partikular ang droga na sumisira sa kanilang kinabukasan.

Ipinaabot naman ng aktor na si Enchong Dee ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa mga nakiisa sa inilunsad na proyekto at umaasa ito na mas madadagdagan pa ang mga batang magnanais na magkaroon ng pormal na kaalaman kaugnay ng sports na swimming.

Ang mga bata na sumailalim sa naturang libreng swimming lessons ay mga mag-aaral ng Barangay Trapiche Elementary School at Barangay Pagaspas Elementary School.

 

 

Full Disclosure Policy

Refresh
Files in directory:

Press Releases

  •   MGA DRIVER NG PAMAHALAANG LUNGSOD NG TANAUAN, SUMAILALIM SA NC TRAINING. Dalawampu’t-isang driver mula sa iba’t-ibang opisina ang sumailalim sa apat na araw na pagsasanay sa kursong Automotive Servicing NC I. Matapos makapasa sa National Assessment, sila ay ginawaran ng pagkilala ng...

    Read more...

  • Tanauan City, Finalist sa 2017 Most Business-Friendly LGU   CIO Tanauan/ LACV | October 12, 2017 Tinanggap ni Gerard Y. Laresma (gitna), City Information Officer, bilang kinatawan ni Mayor Antonio C. Halili, ang plaque ng pagkilala sa Tanauan City bilang isa sa mga finalist sa 2017 Most...

    Read more...

  • Mega Job Fair 2017, nagbigay trabaho sa mahigit 1,000 Tanaueño   MTSB/CIO-Tanauan | October 11, 2017 Ang Asosasyon ng mga Barangay Kagawad (ABAKA) sa pangunguna ni ABAKA President Kon. Czylene Marqueses kasama sina City Mayor Antonio C. Halili at anak nitong si G. Mark Halili, ALICOR...

    Read more...

Archive Videos

http://www.cnom.sante.gov.ml/x/safe-assignment-matching/ Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

 

 

http://lubeofsarasota.com/frances-e-contreras-phd-literature-review/ frances e contreras phd literature review Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Facebook

 


Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: cgt.tch@tanauancity.gov.ph

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph