Press Releases

We have 30 guests and no members online

You are visitor #

1721479
TodayToday1068
This_WeekThis_Week7376
This_MonthThis_Month35037
All_DaysAll_Days1721479

follow url  Antas ng Kabuhayan ng mga Magsasaka, higit na pinataas sa 2nd Harvest Festival sa Tanauan City

enter site  
MTSB/CIO-Tanauan ǀ August 31, 2017

Sina DA RFO IV-A Assistant Executive Director Milo R. Delos Reyes at Ka Louie Tabing na mga nagsilbing tagapagsalita sa isinagawang 2nd Tanauan City’s Harvest Festival noong Agosto 29-31, 2017 sa Brgy. Gonzales ng lungsod. Makikita rin sa larawan ang dumalo at nagbigay din ng kanyang mensahe na si City Vice Mayor Jhoanna C. Corona. (photo courtesy: Kristoffer Allan N. Carandang/CIO-Tanauan)


LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas --- Magkatuwang na ginampanan at binigyang katuparan ng City Agriculture Office at Department of Agriculture Regional Field Office IV-A sa pakikipagtulungan ng Allied Botanical Corporation at East West Seed Philippines ang pagpapaangat ng antas ng kabuhayan ng mga magsasaka sa lungsod na ito, sa naging matagumpay na pagdaraos ng 2nd Harvest Festival noong Agosto 29-31, 2017 sa Puerto Atalaya, Barangay Gonzales na may temang “Makulay ang buhay sa paggugulay.”

Bukod sa pagpapatuloy ng mga programa gaya ng Rice Program, Corn Program, High Value Commercial Crop Program, Livestock at Organic Program, nais din paigtingin ng Kagawaran ng Pagsasaka ang pagpapalaganap ng mga tamang teknolohiya para sa mga magsasakang Tanaueño. Ito ang naging pahayag ni DA RFO IV-A Assistant Executive Director Milo delos Reyes.

Aniya, layunin ng naturang festival na maiangat ang kita ng mga magsasaka, maparami ang produksyon ng mga ito at mapababa ang mga importasyon sa bansa. Maaari daw na may produksyon ang mga magsasaka ngunit hindi sumasapat ang kanilang kita kaya sa bawat proyektong pang-agrikultura, adhikain ng kagawaran na magkaroon ng food security, food sufficiency at productivity

Apat (4) na bagay naman ang iminungkahi ni Ka Louie Tabing, ang tinaguriang “Agrikultor ng Bayan” at batikang broadcaster ng programang “Sa Kabukiran” sa DZMM Teleradyo upang maging matagumpay ang isang magsasaka. Ang mga ito ay kinabibilangan ng paggamit ng mga makabagong teknolohiya, suporta ng gobyerno, “market availability” ng kanilang mga ani at pagkakaisa o “cooperativism.”

Siniguro naman ni City Vice Mayor Jhoanna C. Corona na bagamat dumarami ang pag-usbong ng iba’t ibang industriya sa lungsod ay patuloy pa rin ang suporta ng lokal na pamahalaan sa mga programang magpapaunlad ng sektor ng agrikultura lalo na at malaki pa rin ang parte ng lupain na ginagamit sa pagsasaka. 

Kabilang sa mga dumalo si Engr. Pablito C.Balantac, Provincial Agriculturist, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, ilang department heads at mga miyembro ng mga farmers association ng siyudad. 

Nagkaroon naman ng ceremonial demonstration ng 45 hp tractor na ipinagkaloob ng DA sa lungsod na sinundan ng pagsasagawa ng seminar series at guided tours sa unang araw.

Ang seminar naman ukol sa “Good Agricultural Practices” ay isinagawa sa ikalawang araw at “Cookfest” ng Farmers Field School Participants sa ikahuling araw.

 

 

Press Releases

  • 2017 GAWAD PATNUGOT OUTSTANDING HIGH SCHOOL PRINCIPAL 2017 GAWAD PATNUGOT OUTSTANDING HIGH SCHOOL PRINCIPAL. Sa isinagawang flag raising ceremony ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan noong Nobyembre 13, 2017, pinagkalooban ng Sangguniang Panlungsod, sa pangunguna ni Vice Mayor Atty. Jhoanna C....

    Read more...

  • Mga miyembro ng PWD sa Tanauan City, sumailalim sa Hilot Wellness Training   MTSB/CIO-Tanauan | November 16, 2017 Si Mayor Antonio C. Halili (ikatlo mula sa kanan, nakaupo) kasama sina May Teresita R. Fidelino, City Cooperatives and Livelihood Development Office (CCLDO) Department Head,...

    Read more...

  • “Capital Formation” binigyang diin sa Tanauan City’s 11th Cooperative Month Celebration  MTSB/CIO-Tanauan | November 9, 2017   Si Dir. Salvador Valeroso, Regional Dir. ng Cooperative Development Authority Region IV-A (ikaapat mula kanan) kasama sina City Administrator Herminigildo...

    Read more...

Archive Videos

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

 

 

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Facebook

 


Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: cgt.tch@tanauancity.gov.ph

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph