Press Releases

We have 70 guests and no members online

You are visitor #

1768293
TodayToday1016
This_WeekThis_Week10029
This_MonthThis_Month33445
All_DaysAll_Days1768293

250 NA KABABAIHANG TANAUEÑO, SASAILALIM SA LIBRENG CERVICAL CANCER SCREENING

Maria Teresa S. Buño ǀ Mayo 11, 2017


LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas – Kabuuang dalawang daan at limampu (250) ang mga kababaihan ng  lungsod na ito ang nakatakdang sumailalim sa libreng “cervical cancer screening” sa darating na Mayo 29, 2017 na gaganapin sa Governor Modesto Castillo Memorial Cultural Center.

Alinsunod sa Proclamation No. 368 ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH) na nagdedeklara sa buwan ng Mayo bilang “Cervical Cancer Awareness Month,” ang programa na pangungunahan ng City Health Office ay naglalayong matukoy at mabigyang lunas ang mga dahilan ng pagkakasakit at pagdami ng bilang ng mga namamatay na kababaihan sanhi ng mga karamdamang may kaugnayan sa cervical cancer.

Ayon sa “statistical records” ng lungsod, patuloy ang pagtaas ng bilang ng “maternal mortality” sa mga nagbubuntis at nanganganak. Kawalan ng kakayahan na matustusan ang kanilang mga regular na “medical check-ups” at ang kakulangan sa tamang impormasyon ang siyang mga pangunahing kadahilanan ng kasong ito.

Nag-umpisa ang nasabing “annual screening program” noong taong 2014 na kinapapalooban ng “visual inspection with acetic acid wash.”

Inaasahan na sa paglulunsad ng programang ito ay mas mabibigyan ng kamalayan ang mga kababaihang Tanaueño sa peligrong hatid ng “cervical cancer” at mas maiangat pa ang kanilang kaalaman ukol sa kanilang responsibilidad na alagaan ang kanilang pagkababae upang makaiwas sa mga “gynelogical conditions and disorders” gaya ng Sexually Transmitted Infections (STIs), Human Immunodeficiency Virus (HIV) at Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS).

 

Press Releases

  • SAGWAN TANAUAN, HARI NGDRAGONBOAT Itinanghal na Overall Champion ang Sagwan Tanauan Dragonboat Team matapos talunin ang mga nakatunggaling batikang paddler at hakutin ang kampeonato sa apat na series ng katatapos lamang na 2017Philippine Canoe Kayak Dragonboat Federation(PCKDF) Club Crew...

    Read more...

  • Php 50K AFP Scholarship Grant para sa TCC Cadet Corps Officer   MTSB/CIO-Tanauan | December 14, 2017 Kinatawan ni retired Philippine Marine General at City Councilor Benedicto Corona (gitna), Chairman ng Committee on Education ng Sangguniang Panlungsod si Tanauan City Mayor Antonio C. Halili...

    Read more...

  • Lakbay Aral ng Pinamalayan Municipality, sumentro sa “best practices” ng Tanauan City   MTSB/CIO-Tanauan | December 12, 2017 Pinangunahan ni City Mayor Thony C. Halili ang mainit na pagtanggap sa delegasyon ng Pinamalayan Municipality, Oriental Mindoro na nagtungo sa Tanauan City noong...

    Read more...

Archive Videos

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

 

 

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Facebook

 


Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: cgt.tch@tanauancity.gov.ph

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph