Press Releases

We have 46 guests and no members online

You are visitor #

1670140
TodayToday361
This_WeekThis_Week3900
This_MonthThis_Month27073
All_DaysAll_Days1670140

source url

 

http://kormoranetterem.hu/?p=writing-a-qualitative-dissertation-proposal MGA DRIVER NG PAMAHALAANG LUNGSOD NG TANAUAN, SUMAILALIM SA NC TRAINING.

Dalawampu’t-isang driver mula sa iba’t-ibang opisina ang sumailalim sa apat na araw na pagsasanay sa kursong Automotive Servicing NC I. Matapos makapasa sa National Assessment, sila ay ginawaran ng pagkilala ng pamahalaang lungsod sa isinagawang flag raising ceremonies noong Oktubre 9, 2017. (CIO Tanauan/ LACV | Photo Courtesy: Jun Mojares – October 12, 2017)#

 

 

http://tyeshiea.com/easy-dorm-pranks/ Tanauan City, Finalist sa 2017 Most Business-Friendly LGU

 

CIO Tanauan/ LACV | October 12, 2017

Tinanggap ni Gerard Y. Laresma (gitna), City Information Officer, bilang kinatawan ni Mayor Antonio C. Halili, ang plaque ng pagkilala sa Tanauan City bilang isa sa mga finalist sa 2017 Most Business-Friendly (MBF) LGU Award City Level 2 matapos ang presentasyong inilahad ng lungsod sa isinagawang  final judging ng nasabing parangal na ginanap sa tanggapan ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) noong Oktubre 9, 2017. Kabilang sa mga nagparangal ang mga panelist mula sa PCCI sa pangunguna ni MBF-LGU Award Chair Mr. Jose S. Alejandro (ikaapat mula sa kanan) at 43rd Philippine Business Conference (PBC) Awards Chair Mr. Samie C. Lim (ikatatlo mula sa kanan). (Photo Courtesy: Roderick P. Lanting)


LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas – Sa ikalawang sunod na taon, muling hinirang ang Pamahalang Lungsod ng Tanauan bilang isa sa mga ‘finalist’ sa Most Business-Friendly City sa buong bansa.

Kabilang ang lungsod sa walong finalist sa kategoryang ‘City Level 2’ na sumailalim sa ‘final judging’ para sa Most Business-Friendly LGU Award na  isinagawa sa tanggapan ng Philippine Chamber of Commerce and Industry noong Oktubre 9, 2017. 

Isa sa ibinida ng lungsod ay ang mga proyektong pang-imprastraktura katulad ng bagong cityhall building, Tanauan City Trading Post, AAA Slaughterhouse, Halal-Compliant Slaughterhouse, Tanauan City Public Market Redevelopment Project at ang pagbubukas ng 7.8 km farm-to-market road na magsisilbing service road sa gilid ng Apolinario Mabini Superhighway (STAR Tollway).

Bukod pa rito, ipinagmalaki rin ng pamahalaang lungsod ang umaabot lamang ng isang oras na proseso ng aplikasyon para sa business permit na sertipikado ng ISO 9001:2015. 

Binigyang diin din sa inihandang presentasyon ng lungsod ang pag-adopt ng lokal na pamahalaan ng Tanauan sa iba’t-ibang national at international quality management systems and standards upang palakasin ang local bureaucracy at itaas ang lebel ng serbisyo publiko. Patunay dito ang pagkakaroon nito ng ISO 9001:2015 certification para sa 33 pangunahing serbisyo, akreditasyon sa Investors in People (IIP), pagpasa sa pamantayan ng Philippine Quality Award 2015 at ang paggawad dito ng Civil Service Commission (CSC) ng Program to Institutionalize Meritocracy and Excellence - Human Resource Management (PRIME-HRM) Level II. Bukod sa mga pagkilalang ito, ang Tanauan City ang tanging LGU sa buong CaLaBaRZoN na nabigyan ng ‘Excellent’ rating sa Anti-Red Tape Act – Report Card Survey (ARTA-RCS) ng CSC.

Malalaman ang resulta ng final judging sa isasagawang 43rd Philippine Business Conference & Expo sa Oktubre 18-19, 2017 kung saan personal na igagawad ni Pangulo Rodrigo Roa Duterte sa mga hihiranging lungsod ang 2017 Most Business-Friendly Local Government Unit Award. #

 

 

admission essay writer joke website Elderly Week 2017, makulay na ipinagdiwang sa Tanauan City

 

MTSB/CIO-Tanauan | October 11, 2017

Sina OSCA President Nicolas M. Chavez kasama sina Former Tanauan Mayor Francisco “Paquito” Lirio at mga Senior Citizen Federation Presidents na sina Conrado Tolentino ng Brgy. Trapiche, Fidelino Cabrera ng Brgy. Suplang at Gaudencio Maunahan ng Brgy. Santol. (Photo Courtesy: Roderick P. Lanting | CIO Tanauan)


LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas-  Mahigit tatlong libong (3,000) miyembro ng Senior Citizen’s Federation mula sa 48 barangay ng lungsod na ito ang nagtipon-tipon sa naging matagumpay na pagdaraos ng “Elderly Week Celebration 2017” noong Oktubre 6, 2017 sa Gymnasium II ng Old City Hall Compound.

Sa temang “Pagkilala sa Kakayahan – Ambag at Paglahok ng Nakakatanda sa Lipunan” na pinangunahan ng Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA) sa pamumuno ni G. Nicolas M. Chavez at sa pakikipagtulungan nina Punong Lungsod Antonio C. Halili, Pangalawang Punong Lungsod Atty. Jhoanna C. Corona at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, isinagawa ang nasabing pagdiriwang.

Buong pagmamalaki na ipinahayag ni Punng Lungsod Thony Halili na mula sa 6,000 miyembro ng senior citizen buhat nang siya ay manungkulan taong 2013 ay higit pang lumaki ang bilang ng mga ito na ngayo’y nasa mahigit 17,000 na. Ito ay sa kadahilanang napakaraming benepisyo ang naitatala ng pamunuang lungsod para sa mga nakakatandang mamamayan. Ilan na rito ang mortuary services, social pension, Philhealth, mga libreng gamot, at birthday cash gift.

Lubos na pasasalamat naman ang tinuran ni Pangalawang Punong Lungsod Jhoanna Corona at nangako na kaisa ang buong SP ay magpapatuloy sila sa pag-aaral upang makapagpasa ng mga ordinansa na mag-aangat ng kabuhayan at mangangalaga sa karapatan ng mga senior citizen.

Kinatawan naman ni dating Tanauan Mayor Francisco “Paquito” Lirio si Batangas Governor Hermilando Mandanas na siyang panauhing pandangal. Ibinahagi nito na aprubado na ang pension na ipagkakaloob ng pamahalaang panlalawigan sa mga retiradong barangay captains na sisimulan sa Enero 2018.

Ilan pa sa mga serbisyong tinanggap ng mga dumalong matatanda ang medical check-up kasama ang blood chem at ECG gayundin ang pagbili ng mga branded na gamot sa murang halaga.

Ipinarating rin ni G. Chavez sa mga miyembro na 40,000 sako ng 5 kilong bigas ang ipinahahanda na ni City Mayor Halili para ibigay sa mga senior citizen members ngayong Disyembre.

Lubos ang kasiyahan ng mga nagsidalo makaraang magsagawa ng “raffle draw” kung saan ang mga papremyo ay pinag-ambag ambagan nina City Mayor Antonio C. Halili kasama sina Batangas Vice Governor Sofronio “Nas” Ona, 3rd district Congresswoman Ma. Theresa V. Collantes, 3rd district Board Members Alfredo C. Corona at Devs Balba, at City Councilors na sina Ben Corona, Herman Trinidad at Lim Tabing.

 

here Mega Job Fair 2017, nagbigay trabaho sa mahigit 1,000 Tanaueño

 

MTSB/CIO-Tanauan | October 11, 2017

Ang Asosasyon ng mga Barangay Kagawad (ABAKA) sa pangunguna ni ABAKA President Kon. Czylene Marqueses kasama sina City Mayor Antonio C. Halili at anak nitong si G. Mark Halili, ALICOR President at Event Organizer ng inilunsad na Mega Job Fair 2017 noong Oktubre 7-8, 2017 sa Gymnasium I, Barangay Poblacion II. (Photo Courtesy: Jun S. Mojares | CIO Tanauan)


see url LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas-  Mahigit isang libo (1,000) Tanaueño ang mga pinalad na magkaroon ng trabaho makaraang makapasa sa “on-the-day screening” na isinagawa kaugnay ng inilunsad na Mega Job Fair 2017 noong Oktubre 7-8, 2017 sa Pres. Jose P. Laurel Gymnasium I.

 Sa pangangasiwa ng Asosasyon ng mga Barangay Kagawad (ABAKA), sa pangunguna nina ABAKA President Kon. Czylene Tabing Marqueses at Kon. Eugene Yson bilang Event Coordinator at sa pakikipagtulungan ng Rotary Club of Tanauan na kinatawan ni G. Mark Halili, maayos na naisakatuparan ang nasabing job fair na nilahukan ng 63 kompanya at humigit kumulang na 2,500 na mga aplikante.

Sa isinagawang flag raising ceremony noong Lunes, Oktubre 9, 2017, ipinaabot ni City Mayor Antonio C. Halili ang kanyang lubos na pasasalamat sa mga nag-organisa ng proyekto sapagkat naniniwala ito na ang pagkakaroon ng mas maraming trabaho para sa mga mamamayan ang siyang tuwirang maghahatid ng kaayusan at kapayapaan sa lungsod. 

Muli namang hinikayat ni Mayor Halili ang mga kasama nitong kawani na palaging isapuso ang paglilingkod. Aniya, “Kung mayroon tayong nagawang mabubuti nitong mga nakaraang araw, atin pong pag-ibayuhin upang makapagbigay pa tayo ng mas magandang serbisyo sa ating bayan.”

 

follow Drown Free Program sa Tanauan City, inilunsad

 

MTSB/CIO-Tanauan | October 5, 2017

Si City Mayor Antonio C. Halili kasama ang aktor na si Enchong Dee, City Sports Development Commissioner Fortunato Dimayuga Jr., mga professional swim teachers ng Bert Lozada Swim School at Tanauan City Swim-Club Black Marlins, at ang mga batang beneficiaries ng programa na  nagmula sa Barangay Trapiche at Barangay Pagaspas Elementary School. (Photo Courtesy: Roderick P. Lanting | CIO Tanauan)


http://kaya-izolasyon.com/?custom-admission-essay-length LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas-  Upang mabigyan ng angkop na kaalaman at kaakibat na pagsasanay sa paglangoy, 81 bata na nagmula sa mga indigent families at 10 batang may kapansanan ng lungsod na ito ang sumailalim sa inilunsad na “Drown Free Program” na ginanap noong Setyembre 29, 2017 sa olympic size swimming pool ng Barangay Trapiche.

Ang nasabing programa ay naisakatuparan sa pagtutulungan ng City Sports Development Office, aktor na si Enchong Dee na nagsagawa ng  “Handog Palangoy ni Enchong Program”, Bert Lozada Swim School at Tanauan City Swim Club-Black Marlins.

Pebrero noong nakaraang taon ng 2016 nang magpahayag ng pagnanais na magkaloob ng “free swimming lessons” si Enchong sa mga “less fortunate children” ng lungsod at upang mabigyang daan ito, isang olympic size swimming pool para sa mga Tanaueño ang ipinagawa at pinondohan ng pamahalaang lungsod.

Sa mensahe ni Punong Lungsod Antonio C. Halili, sinabi nito na malaki ang kanyang suporta sa mga kaugnay na programang pampalakasan sapagkat sa pamamagitan nito ay makakaiwas sa masasamang bisyo ang mga kabataan, partikular ang droga na sumisira sa kanilang kinabukasan.

Ipinaabot naman ng aktor na si Enchong Dee ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa mga nakiisa sa inilunsad na proyekto at umaasa ito na mas madadagdagan pa ang mga batang magnanais na magkaroon ng pormal na kaalaman kaugnay ng sports na swimming.

Ang mga bata na sumailalim sa naturang libreng swimming lessons ay mga mag-aaral ng Barangay Trapiche Elementary School at Barangay Pagaspas Elementary School.

 

 

Full Disclosure Policy

Refresh
Files in directory:

Press Releases

  •   MGA DRIVER NG PAMAHALAANG LUNGSOD NG TANAUAN, SUMAILALIM SA NC TRAINING. Dalawampu’t-isang driver mula sa iba’t-ibang opisina ang sumailalim sa apat na araw na pagsasanay sa kursong Automotive Servicing NC I. Matapos makapasa sa National Assessment, sila ay ginawaran ng pagkilala ng...

    Read more...

  • Tanauan City, Finalist sa 2017 Most Business-Friendly LGU   CIO Tanauan/ LACV | October 12, 2017 Tinanggap ni Gerard Y. Laresma (gitna), City Information Officer, bilang kinatawan ni Mayor Antonio C. Halili, ang plaque ng pagkilala sa Tanauan City bilang isa sa mga finalist sa 2017 Most...

    Read more...

  • Mega Job Fair 2017, nagbigay trabaho sa mahigit 1,000 Tanaueño   MTSB/CIO-Tanauan | October 11, 2017 Ang Asosasyon ng mga Barangay Kagawad (ABAKA) sa pangunguna ni ABAKA President Kon. Czylene Marqueses kasama sina City Mayor Antonio C. Halili at anak nitong si G. Mark Halili, ALICOR...

    Read more...

Archive Videos

link Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

 

 

view Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Facebook

 


Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: cgt.tch@tanauancity.gov.ph

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph