Government Insternship Program (GIP).

Ilang mga kababayan nating Tanaueño ang mabibigyan ng trabaho sa pamamagitan ng pakikiisa ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes, Atty. Cristine Collantes at Konsehal Dra. Kristel Nones Guelos sa ilalim ng programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ni Kabayan Party List Representative Cong. Ron P. Salo na Government Insternship Program (GIP).
Layunin nito na mabigyan ng oportunidad ang mga Highschool, Technical -Vocational at College Graduate na makapagtrabaho bilang mga Lingkod Bayan sa ating Lungsod. Magiging katuwang din sila ni Mayor Sonny sa serbisyo publiko para sa mabilis na pagpapaabot ng programa ng Pamahalaang Lungsod sa bawat komunidad.
Sa isang mensahe kaniyang pinaalalahanan ang mga aplikante na mahalin ang iniatang na tungkulin at maglingkod ng may puso at dedikasyon sa ating mga kababayan at sa mahal nating Lungsod.
Previous Suspension of Issuance of Voter’s Certification, January 31, 2023

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved