Press Releases

You are visitor #

1762644
TodayToday309
This_WeekThis_Week4380
This_MonthThis_Month27796
All_DaysAll_Days1762644

http://emporiumsoft.com/product/roxio-easy-media-creator-suite-10/ Buy Roxio Easy Media Creator Suite 10 MAKULAY AT HIGANTENG CHRISTMAS TREE SA TANAUAN, PINAILAWAN. Pinailawan ang 45ft-Christmas tree na may palamuting parol, laso at Christmas balls sa Plaza Mabini noong Disyembre 1, 2017. Nanguna sa isinagawang lighting ceremony sina City Administrator Atty. Junjun Trinidad bilang kinatawan ni Mayor Antonio C. Halili at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina Kon. Gen. Ben Corona, Kon. Eric Manglo, Kon. Rizaldrin Epimaco Magpantay, Kon. Angel Atienza, Kon. Herman Trinidad, Kon. Joseph Castillo at Kon. Sammy Platon kasama ang ilang department heads at punong barangay. (CIO Tanauan/LACV | Photo Courtesy: Roderick Lanting/ December 7, 2017) #

follow Mga bagong opisyal ng TFYD Tanauan City Chapter, nanumpa. Sa pangunguna ni DILG-CLGOO Marissa C. Marasigan, nanumpa ang dalawampung bagong talagang opisyal at 48 na lider ng bawat barangay ng Task Force on Youth Development (TFYD)-Tanauan City Chapter sa inorganisang “youth camp” ng Liga ng mga Barangay at City Tourism Office na ginanap sa Puerto Atalaya, Brgy. Gonzales noong Disyembre 2, 2017. Upang saksihan ang nasabing oathtaking, naroon ang ilang punong barangay kasama si ABAKA President Czylene Marqueses, Tourism Officer-in-charge Edison Jallores at mahigit isang daang TFYD members. (CIO Tanauan/LACV | Photo Courtesy: Roderick Lanting/ December 7, 2017) #

Mga atletang Tanaueño na nag-uwi ng karangalan, kinilala

 

MTSB/CIO-Tanauan | December 6, 2017

Ang mga atletang Tanaueño na wagi sa nakalipas na Batang Pinoy Luzon Qualifying Leg, Vigan City na pinarangalan ng lungsod sa pangunguna ni City Mayor Thony Halili, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod at City Administrator Atty. Junjun Trinidad sa isinagawang flag raising ceremonies noong Disyembre 04, 2017. Makikita sa gawing itaas ang mga gold medalists na Tanauan City Baseball Team at ang Tanauan City Softball Team na binubuo ng mga babaeng manlalaro. Nasa ibabang bahagi naman ang mga Individual Players ng swimming competition na humakot din ng medalya na sina Ethan Roy Go at Darla Bernadethe Swing. Pinarangalan din ang Tanauan City Mustang 9 Baseball Team na tinanghal namang Champion sa nakalipas na Malarayat Baseball Tournament. (Photo Courtesy: Roderick P. Lanting | CIO Tanauan)


LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas- Pormal na binigyang pagkilala sa lungsod na ito ang mga namayagpag na atletang Tanaueño na humakot ng mga ginto at iba pang medalya mula sa iba’t ibang kompetisyon.

 Sa isinagawang flag raising ceremonies noong Disyembre 4, 2017, nanguna si City Mayor Antonio C. Halili kaisa sina City Vice Mayor Jhoanna C. Corona at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, sa paggagawad ng plake ng pagkilala para sa mga manlalarong nag-uwi ng medalyang ginto mula sa katatapos na Batang Pinoy 2017. Kabilang dito ang Tanauan City Baseball Team, Tanauan City Softball Team at si Ethan Roy Go na nagwagi ng tatlong (3) gintong medalya sa swimming competition sa mga kategoryang 200m breaststroke, 200m individual medley at 400m individual medley. Nagkamit din siya ng dalawang (2) silver medals para sa 50m breaststroke at 100m breaststroke categories.

 Ilan pa sa mga wagi ng silver medals ang Tanauan City Sepak Takraw Team at si Darla Bernadethe Swing sa 800m freestyle category ng swimming competition na nakapag-uwi din ng   bronze medal sa 400m freestyle category gayundin ang mga taekwondo players na sina Von Linus Paulin ng flyweight category at Denielle Sherie Baja ng heavyweight category.

 Pasok naman na National Finals qualifiers ang Swimming Team na binubuo nina Ray Jason L. Rosales, Lucia Claire D. Evangelista, at Shantal Evangelista. 

 Sa naging pahayag ni Mayor Halili, muli nitong binigyang diin ang opisyal na slogan ng lungsod, ang “Tanauan, the Best Ka!,” bilang inspirasyon ng mga batang manlalaro.

 Kabilang sa mga pinasalamatan at binigyan ng pagkilala ni City Sports Development Officer Fortunato “Tato” Dimayuga, Jr. ang iba pang mga bumubuo ng delegasyon ng lungsod na sina Teddy Pol Landicho, Luisito Mercado at Terence L. Vispo (Tanauan City Basesball Team); Ramil V. Mercado, Joselito Villanueva at Jerryflin M. Geroche (Tanauan City Softball Team); Jhon Romar Buenaceda (Swimming); Johndel Lavariño (Tanauan City Sepak Takraw Team); Seigfred Neil Uy (Taekwondo) at Baseball Coordinator na si Kapt. Celestino Pamute.

 

 

Samantala, ginawaran din ng kaukulang pagkilala ang Tanauan City Mustang 9 Baseball Team makaraang tanghaling Kampeon sa isinagawang Malarayat Baseball Tournament sa Lipa City noong nakaraang buwan ng Nobyembre.

go to link Fun Run at Fun Games, tampok sa ikatlong yugto ng “Ta RUNa sa Tanauan”

 

MTSB/CIO-Tanauan | December 7, 2017

Ang ikatlong yugto ng “Ta RUNa sa Tanauan” na ginanap noong Disyembre 2-3, 2017 sa Sabang River Ecopark La Playa Gonzales na kinatampukan ng fun run at mga fun games gaya ng bangkarera, sepak takraw, zurkaneh, at kayak race.  (Photo Courtesy: Roderick P. Lanting | CIO Tanauan)


LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas- Umaatikabong aksyon ang muling nasaksihan ng sambayanang Tanaueño makaraang isagawa ang 2-araw na kompetisyon sa tinaguriang “Ta RUNa sa Tanauan” noong nakaraang Disyembre 2-3, 2017.

 

Ang taunang programang ito na naglalayong itaguyod ang “ecotourism” ng lungsod ay kinatampukan ng  fun run, mga sikat na “water sports”, fun games gaya ng beach volleyball, Sepak Takraw, Kayak Race, Bangkarera, Mass Wrestling, Zurkaneh at mga Palarong Pinoy gaya ng tug of war, sack race at palaro ng lahi na isinagawa sa Sabang River Ecopark La Playa Gonzales.

 

follow site  

Taos-pusong nagpasalamat sa mga dumalo at nakilahok si Barangay Gonzales Chairman Rico Alcazar na nagsabing labis ang kanyang kagalakan na nagkaroon ng kaugnay na programa na siyang nagpaganda at nagbukas ng turismo sa anim (6) na lakeshore barangays (Ambulong, Gonzales, Wawa, Boot, Bañadero, Maria Paz).

 

Kabilang sa mga nanguna sa programa ang City Tourism Office na pinamumunuan ni G. Edison Jallores, Officer-in-Charge sa pakikipagtulungan ng Barangay Affairs Office sa pamumuno ni Arthur S. Lirio.

 

Nakiisa rin si Asosasyon ng mga Barangay Kagawad (ABAKA) Prersident Czylene Marqueses kasama ang ibang mga bumubuo ng Liga ng mga Kapitan ng Barangay.

 

Ang mga nanalo sa mga isinagawang palaro ay tumanggap ng mga kaukulang tropeo at cash prizes.

 

 

 

THE AVENUE- FOOD PARK SA TANAUAN, BUKAS NA!.  

THE AVENUE- FOOD PARK SA TANAUAN, BUKAS NA!.  Dinaluhan ng mga opisyales ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan at labingwalong store owners ang pormal na pagbubukas ng The Avenue- Food Park sa Poblacion 2 noong Nobyembre 24, 2017. Ilan sa lumahok sa nasabing pagtitipon sina Chief of Staff KC Saniano, kinatawan ni Mayor Antonio Halili, at Josie Panganiban, kinatawan ni Vice Mayor Atty. Jhoanna Corona, City Admin Atty. Junjun Trinidad, DILG-CLGOO Marissa Marasigan, at BPLIO Head Elmer Perez, City Cooperatives and Livelihood Officer May Teresita Fidelino, TaSMedCI President Nini Querrer, Ms. Cooperative Union of Batangas 2017  Estrella Volkl, Tanauan City Magicians at ilang representatives mula sa PEPSI Cola. (CIO Tanauan/ LACV | Photo Courtesy: Roderick P. Lanting– December 1, 2017

Archive Videos

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

 

 

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Facebook

 


Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: cgt.tch@tanauancity.gov.ph

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph