Press Releases

We have 26 guests and no members online

You are visitor #

1768281
TodayToday1004
This_WeekThis_Week10017
This_MonthThis_Month33433
All_DaysAll_Days1768281

SAGWAN TANAUAN, HARI NGDRAGONBOAT

Itinanghal na Overall Champion ang Sagwan Tanauan Dragonboat Team matapos talunin ang mga nakatunggaling batikang paddler at hakutin ang kampeonato sa apat na series ng katatapos lamang na 2017Philippine Canoe Kayak Dragonboat Federation(PCKDF) Club Crew Challenge (Men’s Category) na ginanap sa Baywalk, Manila Bay noong December 10, 2017. Dahil sa kanilang iniuwing karangalan, mainit na pagbati at  papuri ang ipinabatid ni Mayor Antonio C. Halili nang bumisita sa kanyang tanggapan ang koponan para ipresenta ang kanilang nakuhang tropeyo. Kasama rin sa larawan si Sports Development Commissioner Tato Dimayugana patuloy ang pagpapamalas ng suporta sa mga manlalarong Tanaueño. (CIO Tanauan/LACV | Photo Courtesy: Jun Mojares | December 14, 2017)

Php 50K AFP Scholarship Grant para sa TCC Cadet Corps Officer

 

MTSB/CIO-Tanauan | December 14, 2017

Kinatawan ni retired Philippine Marine General at City Councilor Benedicto Corona (gitna), Chairman ng Committee on Education ng Sangguniang Panlungsod si Tanauan City Mayor Antonio C. Halili sa isinagawang “Donning of Ranks, Knighting, Induction of Officers and Cadet’s Ball” noong Disyembre 08, 2017 sa Tanauan City College (TCC). Kasama sa larawan sina TCC President Michael E. Lirio, 1st Lt. Gloria D. Matanguihan ng Philippine Air Force, TCC Corps Cadette Captain Marissa Bautista na ginawaran ng Php 50,000 worth scholarship grant ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang mga ROTC members ng TCC. (Photo Courtesy: Roderick P. Lanting| CIO Tanauan)


LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas- Dahil sa ipinamalas nitong “academic excellence” ng nakaraang 1st school semester para sa taong 2017, ginawaran ng Office of the Chief of Staff, Armed Forces of the Philippines (AFP) ng scholarship grant ang isang kadete ng Tanauan City College (TCC) Cadet Corps na si Cadette Captain Marissa Bautista.

 

Sa isang seremonya na isinagawa noong Disyembre 08, 2017 kasabay ng “Donning of Ranks, Knighting, Induction of Officers and Cadet’s Ball” na naisakatuparan sa pagtutulungan ng TCC at Philippine Air Force (PAF), 3rd Air Reserve Center, tinanggap ni Cadette Capt. Bautista ang tseke na nagkakahalaga ng Php 50,000 mula sa AFP na kinatawan ni 1st Lt. Gloria D. Matanguihan, PAF Administrative Officer.

 

Nakakuha ng kabuuang 1.50 general average sa kanyang 1st semester academic grades si Bautista dahilan upang makabilang siya sa mga piling kadete sa buong Pilipinas na nabigyan ng “scholarship incentive” para sa kasalukuyang taon.

 

Sa naging mensahe ni retired Philippine Marine General at City Councilor Benedicto Corona, Chairman ng Committee on Education ng Sangguniang Panlungsod at kumatawan kay Mayor Antonio C. Halili, hinikayat nito ang ibang ROTC members na magsilbing inspirasyon sa kanila si Bautista at sinabi rin nito na pinapaboran niya ang panunumbalik ng ROTC program sa mga pampubliko at pribadong paaralan sapagkat ito ang maglilinang ng disiplina, “camaraderie” at “sense of belongingness” ng mga estudyante.

 

Siniguro naman ni TCC President Michael E. Lirio ang kanyang buong suporta sa programa ng ROTC na kumikilala sa dedikasyon at pagiging makabayan ng mga kadete.

 

 

 

MAKULAY AT HIGANTENG CHRISTMAS TREE SA TANAUAN, PINAILAWAN. Pinailawan ang 45ft-Christmas tree na may palamuting parol, laso at Christmas balls sa Plaza Mabini noong Disyembre 1, 2017. Nanguna sa isinagawang lighting ceremony sina City Administrator Atty. Junjun Trinidad bilang kinatawan ni Mayor Antonio C. Halili at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina Kon. Gen. Ben Corona, Kon. Eric Manglo, Kon. Rizaldrin Epimaco Magpantay, Kon. Angel Atienza, Kon. Herman Trinidad, Kon. Joseph Castillo at Kon. Sammy Platon kasama ang ilang department heads at punong barangay. (CIO Tanauan/LACV | Photo Courtesy: Roderick Lanting/ December 7, 2017) #

Lakbay Aral ng Pinamalayan Municipality, sumentro sa “best practices” ng Tanauan City

 

MTSB/CIO-Tanauan | December 12, 2017

Pinangunahan ni City Mayor Thony C. Halili ang mainit na pagtanggap sa delegasyon ng Pinamalayan Municipality, Oriental Mindoro na nagtungo sa Tanauan City noong Disyembre 11, 2017 para sa isang developmental study tour at benchmarking activity. Ang nasabing delegasyon ay pinangunahan ni Municipal Mayor Aristeo A. Baldos, Jr. kasama ang kanyang Vice Mayor Rodolfo M. Magsino, mga Sangguniang Bayan members, ilang department heads at mga PRIME-HRM Committee members. (Photo Courtesy: Jun S. Mojares| CIO Tanauan)


LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas- Sentro ng isinagawang lakbay aral ng delegasyon ng Pinamalayan Municipality, Oriental Mindoro sa lungsod noong Disyembre 11, 2017 ang mga “best practices” nito partikular ang ukol sa “public governance” at implementasyon ng “Program to Institutionalize Meritocracy Human Resource Management” o PRIME-HRM.

 

Ang developmental study tour at benchmarking activity ng mga opisyales ng nabanggit na bayan ay pinangunahan ng kanilang Mayor na si Aristeo A. Baldos, Jr. at mainit naman silang tinanggap ng lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni City Mayor Antonio C. Halili .

 

Pinangunahan ni Ms. Jacqueline A. Landicho, OIC-HRMDO at recipient ng “2017 CALABARZON Best HRM Practitioner Award” ng Civil Service Commission Region IV-A ang mga best practices ng pamahalaang lungsod sa larangan ng Human Resource Management.

 

Tinalakay naman ni Ms. Aissa M. Leyesa, City Planning Development Office (CPDO) Department Head, ang ukol sa Tanauan City Public Market Redevelopment Project, ang kauna-unahang LGU-initiated “Public-Private-Partnership (PPP).” Ang kasalukuyang isinasaayos na palengke ay tinatayuan ng “state of the art commercial facility” na kapapalooban ng “wet and dry market” kabilang na ang paglalagak ng transport terminal at multi-level parking na sasagot sa mga suliranin ng trapiko.

 

Kabilang din sa aktibidad ang isang “city tour” sa mga historical locations at project sites ng lungsod gaya ng Public Market Redevelopment Site, Tanauan Museum, Laurel Ancestral House, Mabini Shrine, Lakeshore Development Site at Organic Demo Farm.

 

Bukod pa kay Mayor Baldos, Jr. ang 21 delegasyon mula sa Pinamalayan ay kinabibilangan din nina Vice Mayor Rodolfo M. Magsino, mga Sangguniang Bayan members, ilang department heads, at PRIME-HRM Committee members.

 

 

 

 

 

 

Mga bagong opisyal ng TFYD Tanauan City Chapter, nanumpa. Sa pangunguna ni DILG-CLGOO Marissa C. Marasigan, nanumpa ang dalawampung bagong talagang opisyal at 48 na lider ng bawat barangay ng Task Force on Youth Development (TFYD)-Tanauan City Chapter sa inorganisang “youth camp” ng Liga ng mga Barangay at City Tourism Office na ginanap sa Puerto Atalaya, Brgy. Gonzales noong Disyembre 2, 2017. Upang saksihan ang nasabing oathtaking, naroon ang ilang punong barangay kasama si ABAKA President Czylene Marqueses, Tourism Officer-in-charge Edison Jallores at mahigit isang daang TFYD members. (CIO Tanauan/LACV | Photo Courtesy: Roderick Lanting/ December 7, 2017) #

Archive Videos

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

 

 

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Facebook

 


Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: cgt.tch@tanauancity.gov.ph

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph