Press Releases

You are visitor #

1630392
TodayToday182
This_WeekThis_Week3562
This_MonthThis_Month24999
All_DaysAll_Days1630392

http://www.pretiradiatori.it/denial-service-research-paper/ denial service research paper  Antas ng Kabuhayan ng mga Magsasaka, higit na pinataas sa 2nd Harvest Festival sa Tanauan City

http://edificiosnakawe.com/do-my-homework-song/ do my homework song  
MTSB/CIO-Tanauan ǀ August 31, 2017

Sina DA RFO IV-A Assistant Executive Director Milo R. Delos Reyes at Ka Louie Tabing na mga nagsilbing tagapagsalita sa isinagawang 2nd Tanauan City’s Harvest Festival noong Agosto 29-31, 2017 sa Brgy. Gonzales ng lungsod. Makikita rin sa larawan ang dumalo at nagbigay din ng kanyang mensahe na si City Vice Mayor Jhoanna C. Corona. (photo courtesy: Kristoffer Allan N. Carandang/CIO-Tanauan)


term papers on social networking LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas --- Magkatuwang na ginampanan at binigyang katuparan ng City Agriculture Office at Department of Agriculture Regional Field Office IV-A sa pakikipagtulungan ng Allied Botanical Corporation at East West Seed Philippines ang pagpapaangat ng antas ng kabuhayan ng mga magsasaka sa lungsod na ito, sa naging matagumpay na pagdaraos ng 2nd Harvest Festival noong Agosto 29-31, 2017 sa Puerto Atalaya, Barangay Gonzales na may temang “Makulay ang buhay sa paggugulay.”

Bukod sa pagpapatuloy ng mga programa gaya ng Rice Program, Corn Program, High Value Commercial Crop Program, Livestock at Organic Program, nais din paigtingin ng Kagawaran ng Pagsasaka ang pagpapalaganap ng mga tamang teknolohiya para sa mga magsasakang Tanaueño. Ito ang naging pahayag ni DA RFO IV-A Assistant Executive Director Milo delos Reyes.

Aniya, layunin ng naturang festival na maiangat ang kita ng mga magsasaka, maparami ang produksyon ng mga ito at mapababa ang mga importasyon sa bansa. Maaari daw na may produksyon ang mga magsasaka ngunit hindi sumasapat ang kanilang kita kaya sa bawat proyektong pang-agrikultura, adhikain ng kagawaran na magkaroon ng food security, food sufficiency at productivity

Apat (4) na bagay naman ang iminungkahi ni Ka Louie Tabing, ang tinaguriang “Agrikultor ng Bayan” at batikang broadcaster ng programang “Sa Kabukiran” sa DZMM Teleradyo upang maging matagumpay ang isang magsasaka. Ang mga ito ay kinabibilangan ng paggamit ng mga makabagong teknolohiya, suporta ng gobyerno, “market availability” ng kanilang mga ani at pagkakaisa o “cooperativism.”

Siniguro naman ni City Vice Mayor Jhoanna C. Corona na bagamat dumarami ang pag-usbong ng iba’t ibang industriya sa lungsod ay patuloy pa rin ang suporta ng lokal na pamahalaan sa mga programang magpapaunlad ng sektor ng agrikultura lalo na at malaki pa rin ang parte ng lupain na ginagamit sa pagsasaka. 

Kabilang sa mga dumalo si Engr. Pablito C.Balantac, Provincial Agriculturist, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, ilang department heads at mga miyembro ng mga farmers association ng siyudad. 

Nagkaroon naman ng ceremonial demonstration ng 45 hp tractor na ipinagkaloob ng DA sa lungsod na sinundan ng pagsasagawa ng seminar series at guided tours sa unang araw.

Ang seminar naman ukol sa “Good Agricultural Practices” ay isinagawa sa ikalawang araw at “Cookfest” ng Farmers Field School Participants sa ikahuling araw.

 

 

http://utdallas.lambdaphiepsilon.com/adobe-flex-builder-professional-3-mac/ adobe flex builder professional 3 mac Massive developments ng Tanauan City, tinalakay ni Mayor Halili sa 3rd Quarter RLUC Meeting

http://www.thammyvienthucdoan.com/college-essays-about-work/ college essays about work  
MTSB/CIO-Tanauan ǀ August 31, 2017

Si Punong Lungsod Antonio C. Halili habang isinasaad ang mga kasalukuyang programa ng pamahalaang lungsod sa isinagawang 3rd qtr. Regional Land Use Committee Meeting. Ang pagpupulong ay dinaluhan ng mga kinatawan ng iba’t ibang ahensiya kabilang ang NEDA IV-A sa pangunguna ni Regional Director Luis G. Banua.(photo courtesy: Jun S. Mojares/CIO-Tanauan)


doctor resume search LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas --- Malugod na ibinahagi ni Punong Lungsod Antonio C. Halili ang mga “massive developments” sa siyudad na ito na inaasahang patuloy na mag-aangat ng antas ng kalagayang pang-ekonomiya ng mga mamamayan sa isinagawang 3rd quarter Regional Land Use Committee (RLUC)  Meeting noong Agosto 25, 2017 sa Gov. Modesto Castillo Cultural Center.

Ilan sa mga mahahalagang proyekto na kanyang tinalakay ay ang ukol sa “Facility and Infrastructure Upgrades” gaya ng konstruksyon ng modernong city hall building na pinasinayaan noong Hulyo 23, 2017 kasabay ang paggunita sa ika-153rd Kaarawan ni Gat. Apolinario Mabini; Public Market Redevelopment na kauna-unahang LGU-initiated project na aprubado ng NEDA; paglipat at konstruksyon ng panibagong “vegetable trading post” at ang on-going construction ng Triple A (AAA) Slaughterhouse. 

Sa kasalukuyan, ilan sa mga pangunahing proyekto sa imprastraktura ng lungsod ay ang konstruksyon ng 7.8 km. at 15 m. wide na “farm-to-market road na mag-uugnay sa 10 barangay sa pamamagitan ng Philippine Rural Development Project na naglalayong mapabilis ang daloy ng trapiko sa J.P. Laurel Highway, at ang konstruksyon at pagsasaayos ng “lakeshore roads” mula A. Mabini Highway patungong Taal Lake.

Buong pagmamalaki rin na inilahad ni Mayor Halili na may dalawang malalaking “developers” na nag-uunahan sa pagbili ng property sa lungsod sanhi ng “industrialization potential” na nakikita ng mga ito sa lugar.

Ilan sa mga paksa na pinag-usapan ng komite ay ang mga naitalang pagbabago sa Provincial Development and Physical Framework Plan (PDPFP), Benchmarking, Comprehensive Land Use Plan (CLUP), Comprehensive Development Plan (CDP) at RLUC resolutions.

Kabilang sa mga dumalo ang mga CALABARZON Provincial Planning and Development Officers, representatives ng NEDA Region IV-A sa pangunguna ni RD Luis G. Banua, iba pang mga nagmula sa Regional Line Agencies gaya ng Department of Agriculture, Department of Agrarian Reform, Department of Interior and Local Government, Department of Trade and Industry, Housing and Land Use Regulatory Board Southern Tagalog Region, at Housing and Urban Development Coordinating Council. Kasama rin sa mga nakiisa ang mga kinatawan ng pribadong sektor.

Iginawad naman ni RD Banua ng NEDA IV-A ang plake na naglalaman ng kopya ng RLUC Resolution No. IV-A-10-2017 na nagpapasalamat sa pamahalaang lungsod sa pagsisilbing “host city” ng isinagawang pagpupulong.

 

http://sweetsmilesdentistry.com/scholarship-essays-for-college-students/ scholarship essays for college students MAYOR HALILI, BINIGYANG PARANGAL ANG 24 NA MIYEMBRO NG KAPULISAN SA TANAUAN

 

MTSB/CIO-Tanauan ǀ August 16, 2017

Si Punong Lungsod Antonio C. Halili habang iginagawad ang sertipiko ng pagkilala kay Psupt. Audie Lirio Madrideo, Chief of Police ng Tanauan City Police Station matapos pamunuan ang mga matatagumpay na operasyon ng kapulisan kontra ilegal na droga. Kabilang sa mga nakiisa sa parangal ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni City Vice Mayor Jhoanna C. Corona at City Administrator Atty. Herminigildo Trinidad Jr. (photo courtesy: Jun S. Mojares/CIO-Tanauan)


dissertation conomique LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas --- Pinangunahan ni Punong Lungsod Antonio C. Halili ang paggawad ng pagkilala sa apat (4) na opisyal at dalawampung (20) miyembro ng kapulisan sa lungsod na ito matapos makapagsagawa ng mga matagumpay na operasyon kontra ilegal na droga sa nakalipas na apat na buwan at nagresulta sa pagkakadakip ng limampu’t tatlong (53) drug personalities.

Sa isinagawang flag raising ceremony nitong Lunes, Agosto 14, 2017, malugod na pinasalamatan at pinapurihan ni Mayor Halili ang mga PNP personnel ng Tanauan City Police Station dahil nagresulta ang kanilang mga raid operations na pinangunahan ni PSupt. Audie Lirio Madrideo, Chief of Police noong Abril 1, 2017- Hulyo 31, 2017 sa pagkakahuli ng dalawa (2) na kabilang sa High Value Target, isa (1) mula sa PNP Directorate for Intelligence Watchlist, at apat (4) mula sa City Station’s Watchlist, ang top 7,8,9 at 10. 

Kabilang sa mga nakumpiska ang mahigit 100 gramo ng Methamphetamine Hydrochloride o mas kilala sa tawag na shabu na tinatayang aabot sa halagang Php 186,057.14.

Ang pagsasagawa rin ng operasyon laban sa mga Most Wanted Persons ng mga pinarangalang pulis ay humantong sa pagkakaaresto ng dalawampu’t walong (28) wanted persons kung saan dalawa (2) sa mga ito ay naitala bilang Top 1 at 2 sa lungsod.

Ang mga tumanggap ng plake ng parangal ay binubuo nina PSupt. Audie Lirio Madrideo, PCInsp. Gaylor Flores Pagala, PCInsp. Melquiades Beradio Puntalba, PSInsp. Arnel Manego Arada kasama sina SPO4 Edwin A. Mejorada, SPO1 Rowell M. Maala, PO3 Dante T. Robles Jr., PO3 Ian A. Acosta, PO3 Manuel C. Aclan, PO3 Joy V. Llamera, PO3 Danilo S. Piol, PO3 Froilan T. Quisquino, PO2 Romulo S. Pasia Jr., PO2 Ireneo B. Addatu Jr., PO2 Raegan L. Umali, PO2 Pedeo B. Pandosen, PO1 Emmanuel J. Ilagan, PO1 Jayson C. Medrana, PO1 Vic Jayson P. Navales, PO1 Leo Arnie S. Leycano, PO1 Gil Jonnel P. Guerra, PO2 Aiza Luz B. Peria, PO1 Mechelle L. Lubis at PO1 Reynalyn M. Manzano.

 

order essay online COMMUNITY MOBILIZATION PROJECT

do my uni assignment

http://www.altrefrequenze.it/?a-cover-letter-for-phd-position a cover letter for phd position COMMUNITY MOBILIZATION PROJECT. Sa pagtutulungan ng Provincial Government of Batangas,  League of Municipal Mayors, Association of Barangay Captains, DILG-Batangas at Batangas Police Provincial Office, isinagawa ang paglulunsad ng Community Mobilization Project na dinaluhan nina Tanauan City Mayor Antonio C. Halili (una mula sa kanan) at ABC President Polmark L. Fajardo (una mula sa kaliwa) noong Agosto 14, 2017 sa Batangas City. Ilan sa mga dumalo rin sa nasabing pagtitipon sina (R-L) Batangas Provincial Director PSSupt Randy Peralta, Regional Director General PCSupt Ma O R. Aplasca, Vice President LMP-Batangas Roanna D. Conti. (CIO Tanauan- LACV | Photo Courtesy: Jun Mojares /August 17, 2017) 

http://lasendadesilvan.com/would-you-please-help-me-with-my-homework/ would you please help me with my homework Traktora at mga kagamitan sa pagsasaka iginawad ni DA Sec. Piñol sa Tanauan City

Ineed Help With A Research Paper  CIO Tanauan/MTSB

 

July 28, 2017

(Kaliwa) Tinanggap ni Punong Lungsod Antonio C. Halili ang itinurn-over na susi ng “four-wheel drive tractor (45 hp)” nina DA Sec. Emmanuel F. Piñol at DA RFU-IV-A Director Arnel V. Mesa bilang bahagi ng High Value Crops Development Program ng kagawaran. Makikita din sa larawan si 3rd district Board Member Divina “Devs” Balba. (Kanan) Masayang sinalubong ni Punong Lungsod Antonio C. Halili si DA Sec. Emmanuel Piñol na bumisita sa lungsod noong Hulyo 25, 2017.  (Photo Courtesy: Jun S. Mojares/CIO Tanauan)


http://www.socio.msu.ru/?ghostwriter-filmweb ghostwriter filmweb LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas- Pormal na itinurn-over ni Department of Agriculture (DA) Sec. Emmanuel F. Piñol kasama si Regional Field Unit (RFU)-IVA Director Arnel V. Mesa kay Punong Lungsod Antonio C. Halili ang susi ng “four-wheel drive tractor (45 hp)” at iba pang mga kagamitan sa pagsasaka makaraang bumisita ito sa lungsod noong Hulyo 25, 2017 para sa pagsasagawa ng programang Biyaheng Bukid” sa lalawigan ng Batangas.

Ang traktora ay nakalaan para sa pagsasagawa ng modernong operasyon sa pagsasaka na siyang nilalayon ng “High Value Crops Development Program” (HVCDP) ng kagawaran.

Sa pamamagitan ng pagsasama ng DA-RFU IVA at Tanauan City sa bisa ng napirmahang “Memorandum of Agreement,” ang mga magsasakang Tanaueño ay mabibigyan ng pantay-pantay na oportunidad na mapahusay ang kanilang mga ani, makadagdag sa produksyon ng “high value crops”, at tumaas ang kanilang kita.

Ang mga tinanggap na traktora at mga “agricultural materials” gaya ng 1-unit pump and engine, 5 pcs knapsack sprayers, 50 pcs plastic crates, 10 bags organic fertilizer, 1 set brewer tea, 1-unit cassava grater, 1-unit cassava granulator, -unit mechanical corn sheller at 1-unit corn tractor ay igagawad ng City Agriculture Office sa Magsasaka Tanaueños Agricultural Marketing Cooperative at Tanauan City Corn Growers Association, ang mga benepisaryong kooperatiba at organisasyon ng HVCDP sa lungsod.

Ang mga ipinamahaging makinarya at materyales na pang-agrikultura ay naitala sa kabuuang halaga na Php 4,035,220.

 

Full Disclosure Policy

Archive Videos

http://glidecoaching.com/?who-can-write-my-essays who can write my essays Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

 

 

http://www.costadelcilento.net/?social-work-courses-melbourne social work courses melbourne Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Facebook

 


Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: cgt.tch@tanauancity.gov.ph

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph