Real Property Payment Announcement

SA SINUMANG KINAUUKULAN: MAGALANG NA IPINABABATID SA LAHAT NG MGA MAY ARI-ARIANG HINDI NATITINAG O REAL PROPERTY (LUPA, BAHAY, GUSALI, MAKINARYANG GINAGAMIT SA KOMERSYO) NA ANG HULING ARAW NG PAGBABAYAD PARA SA 4TH QUARTER REAL PROPERTY TAX AY HANGGANG SA: DISYEMBRE 31, 2017 MATAPOS ANG ARAW NG NABANGGIT, MAY KARAGDAGANG DALAWANG (2%) BAHAGDANG PENALTY/INTEREST SA BAWAT BUWAN NG PAKAKAANTALA. MAAARING PONG MAGBAYAD SA PAMAMAGITAN NG ON-LINE PAYMENT SA LANDBANK OF THE PHILIPPINES KUNG SAAN HINDI NA KAILANGANG PERSONAL NA MAGSADYA SA PAMAHALAANG LUNGSOD. HANAPIN LANG ANG “CITY GOVERNMENT OF TANAUAN” BILANG MERCHANT AT PUNAN ANG MGA HINIHINGING IMPORMASYON. ANG AMING TANGGAPAN AY BUKAS MULA LUNES HANGGANG BIYERNES, MULA IKA-WALO NG UMAGA (8:00 AM) HANGGANG IKA-LIMA NG HAPON (5:00 PM) UPANG KAYO AY PAGLINGKURAN. MARAMING SALAMAT PO! TANGGAPAN NG INGAT-YAMAN

Press Releases

Invitation to bid

Invitation to BID 
Invitation To texas homework BID


go Invitation to pre-qualify and Bid

For the Tanauan City Public Market Redevelopment Project(TCPMRP)

see Download File 1

http://www.sodascore.com/division-word-problems-homework/ division word problems homework Download File 2

We have 81 guests and no members online

Announcement

Announcement

 

 

 

Emergency Hotline

 

 

 

You are visitor #

1768301
TodayToday1024
This_WeekThis_Week10037
This_MonthThis_Month33453
All_DaysAll_Days1768301

Drown Free Program sa Tanauan City, inilunsad

 

MTSB/CIO-Tanauan | October 5, 2017

Si City Mayor Antonio C. Halili kasama ang aktor na si Enchong Dee, City Sports Development Commissioner Fortunato Dimayuga Jr., mga professional swim teachers ng Bert Lozada Swim School at Tanauan City Swim-Club Black Marlins, at ang mga batang beneficiaries ng programa na  nagmula sa Barangay Trapiche at Barangay Pagaspas Elementary School. (Photo Courtesy: Roderick P. Lanting | CIO Tanauan)


LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas-  Upang mabigyan ng angkop na kaalaman at kaakibat na pagsasanay sa paglangoy, 81 bata na nagmula sa mga indigent families at 10 batang may kapansanan ng lungsod na ito ang sumailalim sa inilunsad na “Drown Free Program” na ginanap noong Setyembre 29, 2017 sa olympic size swimming pool ng Barangay Trapiche.

Ang nasabing programa ay naisakatuparan sa pagtutulungan ng City Sports Development Office, aktor na si Enchong Dee na nagsagawa ng  “Handog Palangoy ni Enchong Program”, Bert Lozada Swim School at Tanauan City Swim Club-Black Marlins.

Pebrero noong nakaraang taon ng 2016 nang magpahayag ng pagnanais na magkaloob ng “free swimming lessons” si Enchong sa mga “less fortunate children” ng lungsod at upang mabigyang daan ito, isang olympic size swimming pool para sa mga Tanaueño ang ipinagawa at pinondohan ng pamahalaang lungsod.

Sa mensahe ni Punong Lungsod Antonio C. Halili, sinabi nito na malaki ang kanyang suporta sa mga kaugnay na programang pampalakasan sapagkat sa pamamagitan nito ay makakaiwas sa masasamang bisyo ang mga kabataan, partikular ang droga na sumisira sa kanilang kinabukasan.

Ipinaabot naman ng aktor na si Enchong Dee ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa mga nakiisa sa inilunsad na proyekto at umaasa ito na mas madadagdagan pa ang mga batang magnanais na magkaroon ng pormal na kaalaman kaugnay ng sports na swimming.

Ang mga bata na sumailalim sa naturang libreng swimming lessons ay mga mag-aaral ng Barangay Trapiche Elementary School at Barangay Pagaspas Elementary School.

 

 

Press Releases

  • SAGWAN TANAUAN, HARI NGDRAGONBOAT Itinanghal na Overall Champion ang Sagwan Tanauan Dragonboat Team matapos talunin ang mga nakatunggaling batikang paddler at hakutin ang kampeonato sa apat na series ng katatapos lamang na 2017Philippine Canoe Kayak Dragonboat Federation(PCKDF) Club Crew...

    Read more...

  • Php 50K AFP Scholarship Grant para sa TCC Cadet Corps Officer   MTSB/CIO-Tanauan | December 14, 2017 Kinatawan ni retired Philippine Marine General at City Councilor Benedicto Corona (gitna), Chairman ng Committee on Education ng Sangguniang Panlungsod si Tanauan City Mayor Antonio C. Halili...

    Read more...

  • Lakbay Aral ng Pinamalayan Municipality, sumentro sa “best practices” ng Tanauan City   MTSB/CIO-Tanauan | December 12, 2017 Pinangunahan ni City Mayor Thony C. Halili ang mainit na pagtanggap sa delegasyon ng Pinamalayan Municipality, Oriental Mindoro na nagtungo sa Tanauan City noong...

    Read more...

Full Disclosure Policy

 

2017

1st Quarter

2nd Quarter

3rd Quarter

2016

1st Quarter

2nd Quarter

3rd Quarter

4th Quarter

Click here for the full list

 
     

 

 

 

Careers @ LGU

Archive Videos

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

 

 

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Facebook

 


Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: cgt.tch@tanauancity.gov.ph

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph