Press Releases

We have 37 guests and no members online

Announcement

Announcement

 

 

 

see Emergency Hotline

 

 

 

You are visitor #

1721483
TodayToday1072
This_WeekThis_Week7380
This_MonthThis_Month35041
All_DaysAll_Days1721483

http://smithsdaffodils.com/ph-school-homework-help-online/ Massive developments ng Tanauan City, tinalakay ni Mayor Halili sa 3rd Quarter RLUC Meeting

 
MTSB/CIO-Tanauan ǀ August 31, 2017

Si Punong Lungsod Antonio C. Halili habang isinasaad ang mga kasalukuyang programa ng pamahalaang lungsod sa isinagawang 3rd qtr. Regional Land Use Committee Meeting. Ang pagpupulong ay dinaluhan ng mga kinatawan ng iba’t ibang ahensiya kabilang ang NEDA IV-A sa pangunguna ni Regional Director Luis G. Banua.(photo courtesy: Jun S. Mojares/CIO-Tanauan)


go to link LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas --- Malugod na ibinahagi ni Punong Lungsod Antonio C. Halili ang mga “massive developments” sa siyudad na ito na inaasahang patuloy na mag-aangat ng antas ng kalagayang pang-ekonomiya ng mga mamamayan sa isinagawang 3rd quarter Regional Land Use Committee (RLUC)  Meeting noong Agosto 25, 2017 sa Gov. Modesto Castillo Cultural Center.

Ilan sa mga mahahalagang proyekto na kanyang tinalakay ay ang ukol sa “Facility and Infrastructure Upgrades” gaya ng konstruksyon ng modernong city hall building na pinasinayaan noong Hulyo 23, 2017 kasabay ang paggunita sa ika-153rd Kaarawan ni Gat. Apolinario Mabini; Public Market Redevelopment na kauna-unahang LGU-initiated project na aprubado ng NEDA; paglipat at konstruksyon ng panibagong “vegetable trading post” at ang on-going construction ng Triple A (AAA) Slaughterhouse. 

Sa kasalukuyan, ilan sa mga pangunahing proyekto sa imprastraktura ng lungsod ay ang konstruksyon ng 7.8 km. at 15 m. wide na “farm-to-market road na mag-uugnay sa 10 barangay sa pamamagitan ng Philippine Rural Development Project na naglalayong mapabilis ang daloy ng trapiko sa J.P. Laurel Highway, at ang konstruksyon at pagsasaayos ng “lakeshore roads” mula A. Mabini Highway patungong Taal Lake.

Buong pagmamalaki rin na inilahad ni Mayor Halili na may dalawang malalaking “developers” na nag-uunahan sa pagbili ng property sa lungsod sanhi ng “industrialization potential” na nakikita ng mga ito sa lugar.

Ilan sa mga paksa na pinag-usapan ng komite ay ang mga naitalang pagbabago sa Provincial Development and Physical Framework Plan (PDPFP), Benchmarking, Comprehensive Land Use Plan (CLUP), Comprehensive Development Plan (CDP) at RLUC resolutions.

Kabilang sa mga dumalo ang mga CALABARZON Provincial Planning and Development Officers, representatives ng NEDA Region IV-A sa pangunguna ni RD Luis G. Banua, iba pang mga nagmula sa Regional Line Agencies gaya ng Department of Agriculture, Department of Agrarian Reform, Department of Interior and Local Government, Department of Trade and Industry, Housing and Land Use Regulatory Board Southern Tagalog Region, at Housing and Urban Development Coordinating Council. Kasama rin sa mga nakiisa ang mga kinatawan ng pribadong sektor.

Iginawad naman ni RD Banua ng NEDA IV-A ang plake na naglalaman ng kopya ng RLUC Resolution No. IV-A-10-2017 na nagpapasalamat sa pamahalaang lungsod sa pagsisilbing “host city” ng isinagawang pagpupulong.

 

Press Releases

  • 2017 GAWAD PATNUGOT OUTSTANDING HIGH SCHOOL PRINCIPAL 2017 GAWAD PATNUGOT OUTSTANDING HIGH SCHOOL PRINCIPAL. Sa isinagawang flag raising ceremony ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan noong Nobyembre 13, 2017, pinagkalooban ng Sangguniang Panlungsod, sa pangunguna ni Vice Mayor Atty. Jhoanna C....

    Read more...

  • Mga miyembro ng PWD sa Tanauan City, sumailalim sa Hilot Wellness Training   MTSB/CIO-Tanauan | November 16, 2017 Si Mayor Antonio C. Halili (ikatlo mula sa kanan, nakaupo) kasama sina May Teresita R. Fidelino, City Cooperatives and Livelihood Development Office (CCLDO) Department Head,...

    Read more...

  • “Capital Formation” binigyang diin sa Tanauan City’s 11th Cooperative Month Celebration  MTSB/CIO-Tanauan | November 9, 2017   Si Dir. Salvador Valeroso, Regional Dir. ng Cooperative Development Authority Region IV-A (ikaapat mula kanan) kasama sina City Administrator Herminigildo...

    Read more...

Full Disclosure Policy

 

source site 2017

1st Quarter

2nd Quarter

3rd Quarter

2016

1st Quarter

2nd Quarter

3rd Quarter

4th Quarter

Click here for the full list

 
     

 

 

 

Careers @ LGU

Archive Videos

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

 

 

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Facebook

 


Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: cgt.tch@tanauancity.gov.ph

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph