Announcement

Announcement

 

 

 

 

Emergency Hotline

 

 

 

Press Releases

Invitation to bid

Invitation to BID 
Invitation To BID

 
Search HERE


Invitation to pre-qualify and Bid

For the Tanauan City Public Market Redevelopment Project(TCPMRP)

Download File 1

Download File 2

We have 11 guests and no members online

You are visitor #

1542634
TodayToday156
This_WeekThis_Week1976
This_MonthThis_Month12655
All_DaysAll_Days1542634

Brigada Eskwela 2017, umarangkada sa Tanauan

 

Maria Teresa S. Buño ǀ May 18, 2017

 

Si Chief of Staff Casiano M. Saniano habang nagpapahayag ng mensahe sa ngalan ni City Mayor Antonio C. Halili. Makikita rin sa ibang larawan si Bb. Pilipinas 2nd runner-up Kristel N. Guelos habang pinangungunahan ang Tree Planting Activity at ang iba’t ibang grupo na nakiisa sa Fun Run at Zumba Fitness Dance.  (Photo courtesy: Roderick P. Lanting & Kristoffer Allan N. Carandang/CIO-Tanauan & DepEd Tanauan)


LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas – Kaalinsabay ng pambansang paglulunsad ng taunang “Brigada Eskwela,” kakaibang pakulo naman ang umarangkada sa lungsod na ito noong nakaraang Lunes, Mayo 15.

Sa pangunguna ng Department of Education Tanauan City Division (DepEd - Tanauan City), libo libong mga estudyante, mga guro, mga magulang, mga empleyado ng pamahalaang lungsod, at mga pribadong indibidwal ang lumahok sa taunang aktibidad na ito na isinagawa sa Balele National High School sa nasabing lungsod.

Nag-umpisa sa isang Zumba Session ang programa na sinundan ng isang “Fun Run” at “Tree Planting Activities” sa may lakeshore area ng Barangay Wawa. 

Panauhing pandangal at nanguna sa aktibidad si Bb. Pilipinas 2nd Runner-Up Kristel Nones Guelos, isang lehitimong Tanauena at produkto rin ng pampublikong paaralan ng lungsod.

Ayon sa kanya, buong puso ang kanyang pakikiisa sa programa at sa layuning mabigyan ng isang magandang paaralan ang mga bata sa pampublikong paaralan.  Idinagdag pa niya na isa sa kanyang adbokasiya ang magsilbing inspirasyon sa mga kabataan at hikayatin ang mga ito na pagtuunan ng pansin at kahalagahan ang edukasyon.

Kabilang din sa mga dumalo sina City Vice Mayor Jhoanna C. Corona, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, Chief of Staff Casiano M. Saniano bilang representative ni City Mayor Thony C. Halili, ilang Department Heads at mga opisyal ng DepEd – Tanauan City .#

 

250 NA KABABAIHANG TANAUEÑO, SASAILALIM SA LIBRENG CERVICAL CANCER SCREENING

Maria Teresa S. Buño ǀ Mayo 11, 2017


LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas – Kabuuang dalawang daan at limampu (250) ang mga kababaihan ng  lungsod na ito ang nakatakdang sumailalim sa libreng “cervical cancer screening” sa darating na Mayo 29, 2017 na gaganapin sa Governor Modesto Castillo Memorial Cultural Center.

Alinsunod sa Proclamation No. 368 ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH) na nagdedeklara sa buwan ng Mayo bilang “Cervical Cancer Awareness Month,” ang programa na pangungunahan ng City Health Office ay naglalayong matukoy at mabigyang lunas ang mga dahilan ng pagkakasakit at pagdami ng bilang ng mga namamatay na kababaihan sanhi ng mga karamdamang may kaugnayan sa cervical cancer.

Ayon sa “statistical records” ng lungsod, patuloy ang pagtaas ng bilang ng “maternal mortality” sa mga nagbubuntis at nanganganak. Kawalan ng kakayahan na matustusan ang kanilang mga regular na “medical check-ups” at ang kakulangan sa tamang impormasyon ang siyang mga pangunahing kadahilanan ng kasong ito.

Nag-umpisa ang nasabing “annual screening program” noong taong 2014 na kinapapalooban ng “visual inspection with acetic acid wash.”

Inaasahan na sa paglulunsad ng programang ito ay mas mabibigyan ng kamalayan ang mga kababaihang Tanaueño sa peligrong hatid ng “cervical cancer” at mas maiangat pa ang kanilang kaalaman ukol sa kanilang responsibilidad na alagaan ang kanilang pagkababae upang makaiwas sa mga “gynelogical conditions and disorders” gaya ng Sexually Transmitted Infections (STIs), Human Immunodeficiency Virus (HIV) at Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS).

 

200M na Target RPT Collection, nalampasan na ng Tanauan City

 

Louise Anne C. Villajuan | April 27, 2017

LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas – Masayang ibinalita ni Tanauan City mayor Antonio C. Halili ang pag-abot at  pagkahigit pa sa 200-milyon target na koleksyon sa real property tax ng lungsod sa isinagawang flag raising ceremonies noong Abril 24, 2017.

Bunsod ng pagkarebisa ng Schedule of Fair Market Value (SMV) para sa mga real properties sa ilalim ng Tax Ordinance 2016-01 at 2016-02,  hindi pa man nangangalahati ang taon ay umabot na sa Php 219,253, 135. 33 ang kabuuang koleksyon ng lokal na pamahalaan ayon sa ulat na isinumite sa tanggapan ng punong lungsod.

Kaugnay nito, pinapurihan ni Mayor Halili ang City Assessor’s Office, sa pangunguna ni Mrs. Annalisa Gonzales, at City Treasurer’s Office, sa pamumuno ni Mr. Fernando Manzanero,  sa kanilang pagpupursige upang maabot at mahigitan pa ang itinakdang koleksiyon nito.

Bukod pa rito, ipinabatid ni Mayor Halili ang kanyang pasasalamat sa mga empleyado ng lokal na pamahalaan ng lungsod dahil sa kanilang ipinapamalas na dedikasyon sa trabaho. Aniya pa, “Yung mga inaasahan ko na klase ng serbisyo sa ating mga empleyado ay lumalampas pa. Yung performance ng City Government Tanauan surpassed my expectation and for that matter, I thank you, thank you, very much.”

Samantala, inanunsyo rin naman ni Mayor Halili ang page-endorso upang aprubahan ng Sangguniang Panlungsod ang unang Supplemental Budget para taong kasalukuyan na nagkakahalaga ng Php 239, 957, 454.91 na ang pangunahing paglalaanan ay ang pagpapatayo ng panibagong imprastraktura sa lungsod. 

 

TANAUAN CITY TRADING POST INAUGURATION

TANAUAN CITY TRADING POST INAUGURATION–  Pinasinayaan kamakailan ang bagong opisina ng bagong Tanauan City Trading Post (Bagsakan), ang siyang tradisyunal na sentro ng kalakalan ng mga gulay at prutas sa Southern Luzon (CALABARZON, Bicol Region at MIMAROPA). Ang nasabing gusali ang magsisilbi ring pansamantalang tanggapan ng opisina ng Public Market habang isinasagawa ang pagmo-modernize ng pamilihang bayan ng lungsod. (CIO-Tanauan | Louise Anne C. Villajuan | Photo Courtesy: Roderick Lanting)

 

 

Press Releases

  • Brigada Eskwela 2017, umarangkada sa Tanauan   Maria Teresa S. Buño ǀ May 18, 2017   Si Chief of Staff Casiano M. Saniano habang nagpapahayag ng mensahe sa ngalan ni City Mayor Antonio C. Halili. Makikita rin sa ibang larawan si Bb. Pilipinas 2nd runner-up Kristel N. Guelos habang...

    Read more...

  • 250 NA KABABAIHANG TANAUEÑO, SASAILALIM SA LIBRENG CERVICAL CANCER SCREENING Maria Teresa S. Buño ǀ Mayo 11, 2017 LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas – Kabuuang dalawang daan at limampu (250) ang mga kababaihan ng  lungsod na ito ang nakatakdang sumailalim sa libreng “cervical cancer...

    Read more...

  • 200M na Target RPT Collection, nalampasan na ng Tanauan City   Louise Anne C. Villajuan | April 27, 2017 LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas – Masayang ibinalita ni Tanauan City mayor Antonio C. Halili ang pag-abot at  pagkahigit pa sa 200-milyon target na koleksyon sa real property tax ng...

    Read more...

Full Disclosure Policy

Refresh
Files in directory:

Careers @ LGU

Archive Videos

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

 

 

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Facebook

 


Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Tindalo Ave. Mt. View Subd. Brgy. Poblacion 3, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: cgt.tch@tanauancity.gov.ph

Phone: 043 778-1902

http://www.tanauancity.gov.ph